Chapter 11

1K 65 10
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Nanlalagkit ako habang naglalakad sa hallway at lahat ng mga taong nakakakita sa akin ay walang ginawa kundi ang pagtawanan ako.

Unang araw simula ng tanggihan ko si Raven sa kanyang alok,pagdating ko ng classroom ay nandoon ang grupo niya at binuhusan ako ng basura.

Nagmadali akong pumunta sa dorm ko upang maglinis dahil ayokong ma late sa klase,bukod sa kawalangyaan nila kailangan ko pading ayusin ang pag aaral ko dito lalo na nung nabanggit sa akin ni Nikee na isa din palang paraan ang pagpapataas ng grado upang makapunta sa Top 10,at ang ibig sabihin non ay hindi lang pala basta barumbado ang mga nasa Top 10 dahil matalino din naman pala sila.

Oo matalino sila sa ibang subjects pero hindi kabilang don ang GMRC.

Mabilis akong naglinis ng katawan at dali daling nagpalit ng uniform, kumaripas ako ng takbo papunta sa aming classroom.

Walang nagawa si Nikee dahil katulad ko ay natatakot din siya sa Red Venom at isa pa ayaw ko naman na madamay siya sa gulong ito.

"Ayos ka lang ba?Sorry wala akong nagawa, pumayag ka nalang kaya sa alok niya para hindi ka na nila pahirapan pa."bungad sakin ni Nikee pagkaupo ko.

Umiling ako,dahil mas mataas padin ang pride ko.Napahawak ako sa lamesa dahil sa biglang pagkahilo at pagsakit ng ulo.

Napangiwi ako sa sakit dahil umiikot ang paningin ko at ilang sandali lang ay mahuhulog na ako.

Kitang kita ko ang mukha ni Nikee na nag-aalala habang ang kanyang bibig ay mabagal bumubuka na para bang may sinasabi siya pero hindi ko ito marinig.

Nanginginig ang mga kamay ko at gayon din ang katawan ko,kahit na malamig ang air-con ay namumuo padin ang malaking patak ng pawis sa aking noo.

Humigpit ang hawak ko sa lamesa at kahit na nanginginig ang kamay ko ay kinuha ko ang gamot sa aking bulsa,ng buksan ko ito ay maraming natapon na gamot dahil sa panginginig ko.

Hindi ko alam kung ilan ang nainom ko,basta ay nilunok ko nalang ito at dumukdok sa lamesa.

Siniklaban ako ng takot at kaba dahil sa nangyayari sa katawan ko,sobrang sakit ng ulo ko at halos idiin ko na ito sa lamesa,mabibigat din ang aking paghinga.

Kalaunan ay nagsimula na akong makarinig,huminto na ang pag ikot ng paningin ko at unti unti akong bumabalik sa diwa.

"C-collin!!Ayos ka lang ba?Anong nangyayari sayo?!"punong puno ng pag aalala ang boses ni Nikee,nanghihina man ay nilingon ko siya at nginitian.

Gusto kong umiyak pero walang lumabas na luha sa mga mata ko,buong buhay ko ay hindi ako naging normal, mula pagkabata ay hindi ko na alam ang sakit na mayroon ako.Gamot nalang ang bumubuhay sa akin,para ngang candy nalang ang turing ko sa gamot na iniinom ko dahil nasanay na ako.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon