Chapter 52

621 42 0
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA

Nagising ako ng mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo,bumangon ako upang simulan ang araw ko.

Nagmumog.Naghilamos.Naligo.Kumain.At nag toothbrush.

Tipikal na araw nanaman,at pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin bago umalis ng dorm.

Nakita ko sa hallway si Raven at wala namang tao na nakapaligid pero ng nginitian ko siya at akmang babatiin ay napanganga nalang ako ng bigla niya akong lagpasan na para bang hangin.

Sinundan ko siya ng tingin at naiinis ko sana siyang hahabulin at sisigawan kung bakit hindi ako pinansin pero may mga estudyante na na nagsilabasan sa kanilang mga dorms.

Na badtrip ako sa ginawang pang snob sa akin ni Raven pero wala narin akong nagawa kundi ang makisabay sa daloy ng mga estudyante na nagsisilakad sa hallway.

Napapagitnaan ako ng mga taong matatamlay at tila pagod na pagod ng mabuhay.

Napakuyom ako ng kamao.

Pero ang kaninang nakasimangot kong mukha ay napangiti ng makita ko si Nikee,kinawayan ko siya at tinawag.

"Nikee!"sigaw ko habang nakangiti at lalapit sana ako sa kanya ng bigla niya akong talikuran na para bang wala siyang nakita o narinig,hinabol ko siya at agad na kinalabit pero hindi niya ako nilingon.

Galit ba siya? Bakit hindi sila nanamansin?Wala naman akong ginawang masama ah?

"Uy,Nikee."sambit ko pero straight ang tingin niya sa daanan at hindi ako tinapunan man lang ng tingin.

Sunod kong nakitang dumating ay si Reni na lumapit sa amin,I mean kay Nikee pala.Nagkamustahan ang dalawa at nagbiruan.Binati ko si Reni.

"Goodmorning Reni!"sambit ko at mas lalong kumunot ang aking noo ng hindi niya ako pansinin.Nagpatuloy kami sa paglalakad at minsan ay nakikisali ako sa kuwentuhan nila pero parang may sarili silang mundo at hindi ako pinapansin kaya mas pinili ko nalang na tumahimik.

Hindi ko alam kung bakit sila ganyan maka asta na para bang wala lang ako sa kanila,nginitian ko si Gelly at nag iwas siya sa akin ng tingin at huminto bago humawak sa kanyang baba na para bang malalim ang iniisip pero kalaunan ay pumunta siya sa kinaroroonan namin.

"Hi Gelly!"bati ko at akala ko ay papansinin niya ako pero nilagpasan niya din ako at nakipag usap kay Reni at Nikee,nalaglag ang panga ko dahil kailan man ay hinding hindi magagawa ni Gelly na isnabin ang isang tao lalo na akong kaibigan niya.Ano bang nangyayare?

Sila ay nag kwe-kwentuhan samantalang ako ay nakikisali pero hindi nila ako pinapansin at para lang akong shunga na kinakausap ang hangin.

Dumating si Luna suot ang pang hip hop niyang sumbrero at nakipag fist bump pa sa tatlo at akma akong makikipag fist bump pero naiwan ang kamao ko sa ere na agad ko din namang ibinababa dahil sa pagkahiya.

Litong-lito ako kung bakit sila ganito maka asta habang kahapon naman ay ayos naman kami at masaya.

Pilit akong nagpapansin pero parang silang apat lang ang magkakasama at wala ako dito.

"Uhm guys? I'm here,yoohoo!"sambit ko sa kanila dahil nagsisimula na akong mairita at ma offend pero nagpatuloy lang sila sa pag kwe-kwentuhan.

Wala ng intro intro pa dahil agad kong humiwalay sa kanila dahil sa inis.

Nakasalubong ko si Jhiro at akala ko ay pupunain niya ang nakasimangot kong mukha pero nilagpasan niya lang ako at agad ding napatabi ng balak niya pa akong banggain na para bang hindi ako nakikita na nakaharang sa daanan.

Ganon din si Kuya Kaz na poker face ng tinawag ko.

Kumirot ang dibdib ko pero pinilit na ngumiti habang pinagmamasdan sila na masayang nag uusap habang ako dito ay nag iisang nakatayo.

Pinilit ko nalamang na pumunta ng classroom kahit na napaka bigat ng pakiramdam.

Ano bang nagawa ko?Bakit sila ganito?Wala naman kaming naging away.

Pumasok si Nikee at umupo sa tabi ko,hindi siya nagsalita hanggang sa pumasok ang prof.Naubusan ako ng tinta ng ballpen kaya nilingon ko si Nikee na busy sa pagsusulat.

"Nikee,pwedeng pahiram ng ballpen?"hindi niya ako inimik at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Nikee."

"Nikee,ballpen kako,naubusan ako ng tinta."

"Hoy!"

"Nikee!"

Halos mapapitlag ako sa gulat ng bigla niyang kalabugin ang kanyang mesa at nagulat ako ng samaan niya ako ng tingin at ibinato sa akin ang kanyang ballpen.

"Oh!Saksak mo sa baga mo."naiinis niyang sabi, napanganga ako dahil sa inasta niya at kumirot ang dibdib ko.

N-nanghihiram lang naman ako ah.

Napayuko ako at sobrang bigat ng pakiramdam ko sa mga nangyayari ngayon,hindi ko nga namalayan na uwian na pala.

Inunahan akong maglakad ni Nikee at napabuntong hininga nalang ako,mag isa akong naglakad ng nakayuko.

There's something wrong.

Gusto kong umiyak ngayon sa totoo lang pero hindi ko magawa.

Nandito na ako sa tapat ng pintuan ng aking dorm at napahawak ako dito ng wala sa oras ng biglang magdilim ang paningin ko at sumakit ang aking ulo.

Lumagapak sa sahig ang dala kong libro at paulit-ulit kong hinampas ang aking dibdib dahil kinakapos ako ng hininga.

Ng umayos ako ay binuksan ko agad ang pintuan dahil biglang nanlambot at nanghina ang katawan ko na para bang gusto ng humilata sa kama,feeling ko ay magkakasakit ako.

Binuksan ko ang ilaw habang nakayukong pinulot ang mga libro na nagkalat sa sahig.Tumayo ako at agad na nag angat ng tingin,ang kaninang libro na pinulot ko ay muling nalaglag sa sahig.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi alam ang gagawin,nangilid ang aking luha sa mga mata ng makita ko sila Nikee,Luna,Gelly,at Reni na nakasuot ng birthday cap habang may hawak hawak na cake.

Nandito din sila Jhiro at Kuya Kaz maging si Raven.

"HAPPY BIRTHDAY!"sabay sabay na sigaw nila sa akin.

Napangiti ako ng malaki at ang bigat na nararamdaman ay agad na nawala, naiiyak akong tatakbo sana palapit sa kanila ng masampal ko sila isa isa pero agad na nanghina ang tuhod ko at napasalampak sa sahig.

Nagulat silang lahat sa nangyari at agad na lumapit sa akin upang daluhan ako.

"Anong nangyari?Bakit—"naputol ang sasabihin ni Reni ng hawakan niya ako at agad ding napalayo.

"Ang init mo Xy!"gulat niyang sabi at agad na nataranta ang ilan,napahawak nalang ako sa aking ilong ng bigla kong maramdaman na may malagkit na likidong umaagos dito.

Ng tignan ko kung ano ito ay nakita kong dugo,tinignan ko silang lahat na natigilan at natulala sa akin,mapait akong napangiti at ang sunod kong sinabi ay ang dahilan upang mabitawan ni Luna ang hawak niyang cake.

"Happy Birthday?More like a Happy Death Day."

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon