Chapter 29

860 68 1
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Napatulala ako sa kawalan,umaagos ang luha sa aking mga mata at kahit na nanginginig ang aking mga binti ay agad akong pumunta sa lamesa ni Nikee kung saan naroon ang nagkalat na mga papel pero ni isa ay wala akong pinansin dito at agad kong kinuha ang mga bote ng gamot.

Ito yung kinuha sakin noon ni Raven pero sinabi niya na may nag nakaw nito sa kanya,at hindi niya alam kung saan napunta at all this time ay nandito lang pala kay Nikee?

Paano niya nagawa sakin 'to?Paano niya natitiis akong makita na inaatake ng sakit ng ulo at halos araw-araw na nawawalan ng malay?Paano niya nasisikmura ang paghihirap ko?

Matagal kong tiniis ang mga sakit,na sa tuwing sasakit ang ulo ko na para bang pinupukpok ng martilyo,sa mga malulupit na alaala ng nakaraan.

Sa pagka trauma ko dahil sa naranasan noong bata pa ako.Bakit nandito ang mga gamot na 'to?

Mapagkakatiwalaan ka nga ba talaga Nikee?

Inalis ko sa ulo ang tanong na iyon dahil kaibigan ko siya, dapat ay hindi ganito ang iniisip ko patungkol sa kanya.

May kung anong nagbara sa lalamunan ko,at nag init nanaman ang sulok ng aking mga mata,napaharap ako sa pintuan ng makarinig ako ng mga yabag at sigawan,nakita ko si Nikee at Luna na huminto sa pintuan at hindi pa napapansin na nandito ako dahil nagsisigawan sila.

"Bakit mo tinatago ang mga gamot ni Xyra?!Bakit ka nagsisinungaling?!Tignan mo nga kung ano na ang nangyayari sa kanya!"sigaw ni Luna at mahigpit na hinawakan si Nikee sa braso,tipong babaon na ang kuko niya dito.

Nag aalab ang mga mata ni Luna habang nakatingin kay Nikee,ngayon ko pa lang siya nasaksihan na ganito,galit na galit.

Maging si Nikee ay salubong nadin ang kilay na nakatingin kay Luna.

"Wala kang alam Luna!Bitawan mo ako!"sigaw ni Nikee at nagpumiglas,nagawa niya pang maitulak ng malakas si Luna dahilan upang muntikan na itong ma out of balance.

"Edi ipaintindi mo!Ipaintindi mo sakin at kay Xyra kung bakit ko ginagawa 'to!Napapansin ko na madalas na siyang nagiging makalimutin,agresibo,basta nalang nagkakaroon ng allergy gaya ng sabi niya kanina na wala naman siyang allergy sa kamatis,and one time ay nahuli ko siyang tulog habang inuuntog ang sarili sa pintuan ng pauli-ulit at naabutan pang naglalaro ng lintek na candy crush!!"namumulang sabi ni Luna,ang kanyang ugat sa leeg ay nagpapakita na.

"Siguro nasisiyahan ka pang makitang nababaliw si Xyra 'no?"napatakip ako ng bibig at tahimik na napaluha ng makita kong malakas na lumagapak ang kamay ni Nikee sa pisngi ni Luna.

Sobrang sakit makitang nagkakaganito ang dalawang malapit kong kaibigan,sobrang sakit sa pakiramdam na nagkakasakitan sila,at sobrang sakit dahil may itinagong sikreto sakin si Nikee.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon