Epilogue (Part 2)

1.2K 66 36
                                    

BLOODY UNIVERSITY
EPILOGUE
PART TWO

(Play the song on multimedia while reading this chapter)

Song:Lover by:Taylor Swift

XYRA/AMBER

Ilang taon nadin pala ang nakakalipas simula ng matapos lahat ng kaguluhan,naipasara na ang Bloody University pero asahan daw na ang mga masasamang alaala sa paaralang iyon ay mapapalitan ng maganda at bago dahil muli itong bubuksan,hindi bilang Bloody University,kundi bilang Xyven Ford's University.Oo nga at nasira na ng tuluyan ang paaralang iyon pero sa mismong lugar na iyon ay magpapatayo ulit ng bago.

Si Raven na ang nagmamay ari at nagpapatakbo nito,libre lang din ang pag aaral dito upang makatulong sa mga estudyanteng nangangailangan at walang sawang nangangarap na makapagtapos ng pag aaral.

Nagkapag tapos nadin ako ng pag aaral at kasalukuyan ng nag tra-trabaho sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng magulang ko na ipinamana sakin at ako na ang nag ha-handle nito.

Nakulong na si Nancy at hahayaan ko siyang mabulok sa kulungan, tinulungan ko din si Maxine na magkaroon ng pagkakataon na mag bagong buhay at ngayon ay nakapag patayo na siya ng isang coffee shop na siya mismo ang naghirap,ang tatlo niya ding anak ay nagagawa niya ng mapag aral.

Si Paisley Tervarah na palaging kinukwento sakin ni Gelly ay naging kaibigan ko nadin dahil gustong gusto ko ang ugali niya at madali naman siyang pakisamahan.

Everything went back to normal and peaceful just the way it is.

And now, nakatayo ako sa isang bangin, nakangiti at naluluha kong pinagmasdan ang mga tao na naririto,nakatingin sila sa aking lahat habang may mga ngiti sa labi na hindi maalis,ang iba ay naluluha pa.

Tinignan ko ang mga magulang ko,they all are proudly staring at their daughter,umiyak si Mom at agad naman siyang niyakap at pinatahan ni Dad na ngayon ay pinipigilan ang umiyak.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa dalawa kong kapatid na parehas na nakatingin sa akin na para bang ako ang pinakamagandang babae na nakita nila sa balat ng lupa.

Sila Luna,Gelly at Paisley na nakatayo habang naka thumbs up pa sakin,natawa ako dahil sa nanunukso nilang titig at nag init ang mukha ko dahil alam ko kung ano ang mangyayari mamayang gabi.

And at last,pinagmasdan ko ang lalakeng pinakamamahal ko na nakatayo sa gitna, kahit pa na malayo kami sa isa't isa ay nakita ko ang pag kislap ng kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.He's staring at me like I am the most beautiful girl in whole wide world.He's staring at me with full of love and passion.He's staring at me with full of happiness and future in his eyes.He's staring at me with tears gleaming on his eyes like all of this is just a dream.

Ng magsimula ang kanta ay hinawakan ko ng mahigpit ang puting bulaklak at nagsimulang humakbang papalapit sa kanya.

We could leave the Christmas lights up 'til January
This is our place, we make the rules
And there's a dazzling haze, a mysterious way about you, dear
Have I known you twenty seconds or twenty years?

Can I go where you go?
Can we always be this close forever and ever?
And ah, take me out, and take me home
You're my, my, my, my lover

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon