Chapter 33

924 60 4
                                    

NIKEE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NIKEE


Walang pasok ngayon dahil bali-balita na may inaasikaso ang mga kaguruan at mga student councils dahil bago pa man mangyari ang War Night,may gaganapin munang party dahil birthday ng principal ng B.U


As if naman na may pake kami sa kanya,siya ang may kasalanan kung bakit kami nandito,pero ano pa nga ba ang magagawa namin diba?Hawak niya kami sa leeg.


Kanina pa kami nag kwe-kwentuhan dito pero ako naman ay nanatiling nakatingin kay Xyra na kanina pa balisa,sobrang pula ng mukha niya at laging nakatulala,kanina ay nahuli ko pang sinampal niya ang sarili niya,ang weird talaga ng babaeng 'to.


"Lasing lang siya.Lasing lang siya.Lasing lang siya non."paulit ulit niya yang binubulong sa sarili niya at ng akma niyang sasampalin nanaman ang kanyang mukha ay inunahan ko na.


Gulat silang napatingin sakin lalo na si Xyra.


"Aray ha!Problema mo?"tanong niya habang hinihimas ang pisngi.


"Bakit mo naman ginawa yun?"tanong ni Luna na natatawa dahil sa reaksyon ni Xyra nung sampalin ko siya.


"Ikaw dapat ang tinatanong ko kung anong problema mo Xyra,kanina ka pa may binubulong diyan habang umiiling na parang sira ulo,tignan mo oh!Ang pula ng mukha mo."sambit ko at iniharap siya sa salamin na nakasabit sa dingding.


Hapon na ngayon at mag gagabi na,nandito lang kami sa dorm nila Xyra at Luna,hindi naman nakaka bored as long na magkakasama kaming lima.


"Kaya nga,kanina ko padin napapansin yan Xy."sagot din ni Gelly habang iniipitan ang buhok ni Reni na ngayon ay tulog.


Binigyan ko siya ng sleeping pills eh,mahirap kasi talagang magka insomnia pero masama din sa katawan kapag laging umiinom ng sleeping pills kaya kung maaari ay madalang lang dapat.


Bigla kong naalala ang sitwasyon ni Xyra,nag init ang mga mata ko pero mariin ding pumikit at inialis iyon sa aking isipan.


"W-wala 'no!Tsk,gala nalang tayo!"pag iba ng usapan ni Xyra pero sumang ayon din naman kami,at sabay sabay na napalingon kay Reni na ngayon ay bulagta.


"Paano ang isang yan?"tanong ni Luna.


"Baka mag tampo yan,dahil hindi natin nasama."sambit ko at umiling naman si Gelly.


"Hindi,hindi naman marunong magtampo yan si Reni,mabait yan eh."sambit ni Gelly,naalala ko tuloy yung araw na mainit ang ulo namin ni Luna sa isa't isa,si Reni ang nag paalala saming dalawa na naaapektuhan niyon si Xyra.


Ihiniga namin ng maayos si Reni sa kama habang ako naman ay pumipili na sa closet ng susuotin,ng makita ko ang isang pares ng mini dress na light blue ay ibinigay ko ito kay Gelly,tutal ay ito naman ang kulay na paborito niya at malakas ang kumpyansa ko na babagay sa kanya yun.


Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon