Chapter 15

1.1K 68 21
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


Nakadukdok ako ngayon sa lamesa at hindi pinapansin ang pagdadaldal sakin ni Nikee,pagod ako at puyat tsaka tutulugan ko nalang muna ang mga prof namin dahil hindi talaga ako makakapag focus sa pag aaral kapag antok ako tsaka wala namang pake yung prof namin kung anong gawin mo pero mas pinipili padin ng karamihan sa mga kaklase ko na makinig dahil kapag mataas ang grade mo,may posibilidad na maka pasok ka ng Top 10.

Makaka cope-up naman ako,perks of being a nerd.Makaka habol ako sa mga lesson once na bigyan ako ng notes kaya naman hihingiin ko nalang notes ni Nikee mamaya.

Unti-unti na akong pumipikit at mas lalo akong inaantok dahil pumapasok sa bukas na bintanang katabi ko ang preskong hangin na galing sa mga malalagong puno sa labas.

Hinigop na ako ng kadiliman at tuluyan ng nakatulog.

***

Nakatayo ako ngayon sa isang magulong lugar,may nagsusugalan,nag iinuman,pustahan,magulo,masikip,at madumi.

"Snatcher!Snatcher!Tulungan nyo ako!Yung bag ko!"napalingon ako sa aleng sumisigaw at hinahabol ang snatcher pero walang pumapansin sa kanya at tuloy-tuloy lang ang tawanan ng mga tao.

Ang daming kalat at mga daga't ipis pero wala silang pakialam,hanggang sa may marinig akong pamilyar na sigaw ng isang bata at babae.

Napalingon ako sa maliit na bahay, ang bubong ay butas butas at pinagtagpi tagping sako at ilang piraso ng kalawanging yero.

Parang may kumokontrol sa katawan ko dahil kusa akong pumunta doon.

Naabutan ko ang kawawang batang babae na pinaghahamapas ng babae ng makapal na kahoy,kinilabutan ako dahil ang daming sugat ng bata habang ang isa pang batang babae sa gilid ay nakangisi na tila ba nag e-enjoy sa nasasaksihan.

Napaluha nalang ako ng makita kong pamilyar ang mukha ng batang babae na ginugulpi,magulo ang buhok nito at payat ang pangangatawan tila pinagkakaitan ng pagkain at isang beses lang kung kumain sa isang araw.

Sigaw ng sigaw ang bata at nagmamakaawa na itigil na ng babae ang paghampas sa kanya.

Sumiklab ang galit ko ng makita kong ang gumagawa nayon ay walang iba kundi si Nancy at ang batang babae sa sulok na nakangisi ay ang anak niyang si Maxine.

Hindi ko alam na dinanas ko ito nung bata ako,wala akong maalala na dumanas ako ng ganito,pero alam kong parte ito ng nakaraan ko.

Bakit ngayon ko lang naalala na ganito pala ang inabot ko noon?Nakalimutan ko ba?

Yung mga bigla nalang pumapasok sa isip ko katulad nung sinako ako na para bang aso at pinaghahampas,alaala ko din iyon na hindi ko alam na dinanas ko pala.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon