Chapter 3

1.1K 86 83
                                    

Chapter 3: Proposal

Flynn's PoV

It seems like it was just yesterday, but today's already Monday. Yes, the presentation thingy day.

Matagal-tagal rin kaming nag-practice ni Rome just for this day dahil nga inaasahan ni Doc Clad na gagawin namin ang best namin.

I know mamaya na yung presentation, pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa newspaper na binigay sa akin ng guard ng condo kanina.

Napatampal ako sa noo habang binabasa ito. Lintek lang talaga ang walang ganti.

Naalala ko tuloy ang napagkasunduan namin ni Duke (hindi na Rude Guy kasi baka malaman niya, edi nalagot ako) kaya hanggang ngayon ay 'di pa rin niya ako nasasalvage.

*Flashback

"What the hell is your problem?"

Nangatog ang tuhod ko dahil sa lamig ng boses at talim ng tingin niya. Sobrang higpit ng hawak ko sa bag ko dahil nakakatakot talaga siya. Lord naman eh, sabi ko hindi ako papahuli sa lalaking 'to eh.

Kapagkuwan ay inalis niya ang tingin niya sa akin at bumuntong-hininga siya na parang inaalis lahat ng inis na meron siya ngayon.

That's right, Rude Guy, kalma muna tayo.

"You know what? I don't have time for this that's why I'll let you go this time. But bear in your mind that if this becomes a bigger issue, I'm hunting you. Get ready to be punished."

Napatango na lang ako dahil aminado akong medyo mas malala ang ginawa ko sa nagawa niya sa akin.  Medyo lang.

"What's your name?"

"A-Arianna Flair V-Velasquez," I stuttered as I said my name.  Napapikit naman ako ng mariin dito. Paano ba naman kasi, natural na lumabas yung nginig ko sa boses.

"Arianna, huh? Remember what I said. Of course, because I don't want this to become a bigger issue, I'll just stop the rumors. But as soon as it gets out of hand. You know what I'll do."

Napayuko nalang ako marahang bumuntong-hininga. At least, okay ako this time.

"Ano pa hinihintay mo? Get out."

Tumingala ako tsaka siya tiningnan. Dahan-dahan akong tumango tsaka nagmadaling lumabas. Damn. Nakakatakot talaga yung Olympian God na 'yon.

*End of Flashback

Akala ko ba pipigilan niya? Eh ano tong tumatagingting na headline na bumubulaga sa front page ng dyaryo?

One of Asia's Youngest Billionaire, Duke Wyatt Tan, secret relationship revealed?

Hindi naman nakita yung mukha ko dahil nga may suot akong cap sa picture na naka-display. Buti nalang talaga 'di ko natanggal yung cap ko magbuhat ng pumasok ako hanggang sa makalabas ako ng building ni Duke.

Tiningnan ko rin ang ilang social media platforms, at tulad ng inaasahan, kauna-unahan ang rumors tungkol sa relationship 'kuno' ni Duke sa akin.

I just sighed. I totally understand why he can't stop this mess. Kung ang kinikilalang si "Terror Boss" na si Duke Wyatt Tan na hindi pa magkakaroon ng scandal na ganito, sino nga naman ang palalagpasin ang balitang 'yon?

Napahilamos nalang ako ng kamay sa mukha. Tumayo ako tsaka napag-isipan na magpunta sa cafeteria ng hospital para kumuha ng kape para maalis sa isip ko 'yung laman ng balita.

Kiss the WindWhere stories live. Discover now