Chapter 8

828 52 19
                                    

Chapter 8: Acts and Hello (Part 2)

Flynn's PoV

"By the way, Love, siya nga pala si Vincent Torres, asawa ng kapatid ko. Vince, si Duke nga pala."

Gusto ko mang mag-avoid ng eye contact, but I couldn't. I don't want to appear so awkward around him. Matagal na kaming hiwalay.

This could be the chance to do the first step in moving-on na matagal ko na dapat ginawa. Acceptance.

Nagkamayan naman ang dalawa. Humarap naman sa akin si Vince dahil mukhang may sasabihin siya.

"May boyfriend ka na pala, Flynn. That's great!" Nakangiting sabi sa akin ni Vince. Oh, really? Is it?

Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita ang singsing dito. I don't really want to tell it now, pero kesa naman awkward ang response ko, edi ito na lang.

"Fiancée na, actually."

Mukha namang nagulat si Vince pero agad din siyang ngumiti at pumalakpak. Hinawakan naman ni Duke ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Hey, Love. I thought we're announcing that later. Na-excite ka na naman," naiiling na sabi sa akin ni Duke bago bahagyang napataas ang isa niyang kilay.

Napatutop naman ako kunwari sa bibig ko na parang hindi ko sinasadya ang nasabi ko. Well, bitches, I know what I did.

"Oops."

I looked at him apologetically tsaka tiningnan si Vince. Geez, didn't know I'll ask him this favor, but, oh well.

"Can you keep this a secret, for now? Nadulas na kasi ako, eh. I don't know. Adrenaline, I guess?"

Agad namang tumango sa akin si Vince kaya I faked a smile. Kunwari relieved ako sa naging reaksyon niya.

"Yeah, sure. I mean, kung surprise niyo 'yan kila tita, I wouldn't mind keeping it a secret for a little while. What are friends for, right?"

Ouch.

I just faked another smile tsaka binitawan ang kamay ni Duke para makatayo na ako.

"Sige, punta muna ako sa kusina. Love, have a chat with Vince okay? Para naman hindi ka mainip."

"Sure, Love. See you later."

Nginitian ko na lang si Duke bago ako naglakad sa kusina.

I sighed again. Mukhang patong-patong na ang atraso ko kay Duke, ha? Baka mamaya mag-outburst 'yun tapos bigla nalang akong dalhin sa lungga niya sa impyerno.

Kinilabutan akong bahagya dahil sa naisip ko. I brushed the thought away tsaka sinalubong ulit sina Mama na ngayo'y nagluluto na ng panibagong pagkain.

"Oh, Arianna, nakabalik ka na pala."

"Yes, Ma."

"Nga pala, yung Papa mo, dumating na kanina habang nasa sala ka. Dito siya sa likod dumaan. Nandoon siya ngayon sa kuwarto namin, gusto mo bang kausapin?"

Nginitian ko lang si Mama at tsaka ako tumango. I should really tell Papa not to be so shy to me. He's my father, kaya natural lang 'yon ang gagawin ko.

"Oh sya. Umakyat ka na doon sa kuwarto at kami na ni Nina ang bahala rito. Kausapin mo na ang Papa mo."

"Opo, Ma."

Tinanguan lang ako ni Mama bago ako umalis para makapunta sa kuwarto nila ni Papa. Nadaanan ko naman sina Duke at Vince na nag-uusap kaya nang mapansin nila akong dumaan ay nginitian ko na lamang sila.

Kiss the WindDove le storie prendono vita. Scoprilo ora