Chapter 27

662 30 1
                                    

Chapter 27: Misunderstandings

Flynn's PoV

"Nag-paalam ka ba kay Duke bago ka umalis?"

I shook my head sideways, telling him that I wasn't able to do so. He just sighed and raised an eyebrow as if he's trying to understand my situation.

"I couldn't. Tulog pa kasi siya. He had tons of paperworks last night so I kind of understand that."

"Eh kung inabutan ka niya, ano sasabihin mo?"

"I met with a friend, I guess?"

Umiling-iling naman si Rome dahil sa sinabi ko at saka siya bumuntong-hininga. I just massaged my nape while I'm silently apologizing to Duke, with today's events.

"That's a really lame excuse, you know? Ano ka, batang tumakas sa nanay mo?"

Napanguso naman ako sa sinabi niya at saka inignora na lang ang mga sinabi niya. Tingnan mo 'to minsan talaga nakakapag-takang naging kaibigan ko siya.

Maaga kasi akong umalis kinaumagahan para pumunta ulit sa therapy ko.

I feel bad for ditching Duke again but I really don't have a choice. If I ignore my therapies, my condition will definitely go back to its worse form.

I know that hindi naman siya bigla na lang lalala just because I missed one therapy, but I really want this to get done as soon as possible.

At saka we already had our date last week. After my very cheesy confession about what I love about him, nag-date kami kinabukasan tulad ng napag-usapan.

Isa pa, I can always tell him that I got a little meeting with a friend. Alam kong masamang mag-sinungaling ngayong ganito pa ka-unsteady ang relasyon naming dalawa, but it's just a white lie.

Kinailangan ko kasing maging maaga ngayon dahil ngayon namin nai-set ang aking therapy. The truth is, I forgot that today was supposed to be my day-off.

Kaya nang makita ko ang alarm ko kanina, pinigilan ko na lang mapamura dahil nakaligtaan ko na naman kung anong araw ko nailalagay ang mga schedule ko.

I really hope Duke will understand.

"But I don't think you'll have a pleasant conversation later. Married life isn't as simple as you think it is."

"Paano mo naman nalaman 'yon? 'Di ka pa naman kasal, ah? Ni wala ka pa ngang jowa. Shunga rin 'to eh."

"Alam ko lang, bakit ba?"

Inirapan naman ako ni Rome at saka naunang mag-lakad sa akin. Ngumuso na lang ako at sinamaan siya ng tingin bago ako humabol sa kaniya para makasabay siyang mag-lakad.

"Pero seryoso, hindi ba talaga siya magagalit sa'yo niyan? Bigla ka na lang lumayas. Siguradong mag-aalala 'yon."

Napaiwas pa siya ng tingin sa akin dahil sa mga sinabi niya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya, pero binalewala ko rin 'yon kaagad at tumingin na sa harap.

"I'll just call him later. Sapuhin mo ako, ah?"

Ngumisi pa ako sa kaniya bago ako pumasok sa opisina na nag-hahandle sa case ko.

"Oy, anong ibig sabihin mo?"

I just made a funny face to him at napatanga naman sa akin si Rome. Isinarado ko na ang pinto ng opisina para hindi na siya makasagot pa sa akin.

-----

After several hours, natapos na rin kaagad ang therapy session ko. Good thing it was a bit faster than the usual kaya bago pa man mag-lunch time, tapos na ang aming therapy.

Kiss the WindWhere stories live. Discover now