Chapter 25

697 31 2
                                    

Chapter 25: Heal One's Self

Flynn's PoV

"You're positive in having a brain tumor."

Natigilan ako dahil sa narinig ko. Rinig ko ang pag-singhap ni Jas sa tabi ko at ang pag-higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Pakiramdam ko mas lalong hindi nag-function ang utak ko dahil sa narinig. But I composed myself. Hindi pa naman kami sigurado kung cancerous ba itong tumor na nasa ulo ko o hindi.

It could be benign for all I know. Pero siguro 'di mo lang matatanggal ang takot sa loob ko just in case it would be malignant.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit 'pag may kinakausap akong pasyente at sinabing may tumor sila, bumabalatay ang takot sa mga mata nila.

Now that I'm in their exact position, hindi nga pala talaga ganoon kadaling ma-absorb ang sinasabi ng doctor.

I bit my lip at agad na nag-libot ang mga mata ko out of nervousness. Nang maikalma ko nang kaunti ang sarili ko ibinalik ko na ang tingin ko kay Doc May.

"When can I know whether it's malignant or benign?"

"Now, actually. Since isa ka sa mga kilalang surgeon dito sa hospital, nai-priority ang case mo. Doc Clad also had his peek in it and ordered us to get the results as fast as we could. Do you want to see it now?"

I was actually shocked when I heard about this. Normally, it would take a day or more to get the results for tests. But hearing that it was prioritized, I couldn't help but feel more nervous.

I'm torn with wanting to hear it so I can be at peace and not hearing it so I can still mentally prepare myself. Pero kaysa naman makaabala pa ako ng iba dahil sa kaartehan ko, might as well hear it dahil nandito naman na ang resulta.

I nodded at Doc May signaling her that it's okay to tell it to me now.

"Okay, Doc. What's the result?"

"It's benign. Luckily, we can still remove it by surgery but you still need some therapies and treatments before actually taking one. Alam mo naman siguro 'yon, diba?"

Binigyan ko si Doc May ng isang tango at saka napahinga ng maluwag. Naramdaman ko rin naman ang pag-kalma ni Jas sa aking tabi dahil dito.

"Yes, thank you, Doc."

"It's okay. We'll start your treatment as soon as possible. The earlier the better para hindi na siya maging malignant. By the way, pinapasabi nga pala ni Doc Clad na pupunta siya rito in less than an hour."

"Okay. I'll wait for him na lang."

"Sure. Excuse me, then."

Lumabas naman na kaagad si Doc May kaya muli akong napa-buntong hininga. At least hindi siya ganoon ka-seryoso ang lagay ko. But I'm still not out of the danger zone kaya hindi ako dapat ma-kampante.

Naramdaman ko naman ang pag-bitaw ni Jas sa kamay ko at ang pag-tunog ng kaniyang upuan kaya napalingon ako sa kaniya.

"Oh my god, nandito si Clad?"

"Yep. I mean, hospital ito ng pamilya niya kaya natural lang siguro na nandito siya."

"He doesn't work in the company? As in, dito lang sa hospital?"

"Yeah, why?"

Napakagat naman sa labi si Jas at saka napahilot sa noo. Nag-lakad siya ng pabalik balik kaya naman napakunot ang noo ko.

"Bakit mo natanong?"

Bumuntong-hininga si Jas at saka muling umupo sa upuan na nasa tabi ko. Sinundan ko lamang siya ng tingin habang nakatitig lang siya sa akin.

Kiss the WindWhere stories live. Discover now