Chapter 17

721 39 1
                                    

Chapter 17: Party Lights and Confessions

Flynn's PoV

Today is our last day here in Hawaii.

Every experience I've had here in Hawaii really deserves a special part in my memory. I'm a little disappointed I couldn't stay longer than a week.

Maybe I just don't want the fun to end dahil ang tagal ko na 'tong gustong gawin. But what can I do? May trabaho ako sa Pilipinas na kailangan kong balikan. And life's not all about fun.

Bukas, 'pag nakauwi na kami, there wouldn't be fun anymore. Just pure acting and trickery.

Bumuntong-hininga ako at saka tumingin sa labas ng bintana habang nakaupo sa upuang malapit sa bintana. I sipped a small amount of wine at saka in-admire ang dagat na nakatapat sa kuwarto namin.

Duke went out early today. He just left a note saying that he's meeting someone that's in the vicinity kaya mag-libot na lang daw ako mag-isa.

Geez, sa halip na bakasyon ang ginagawa namin, mukhang may ka-business meeting pa yata 'yong mokong na 'yon.

Mag-hahapon na rin naman na kaya napag-isipan ko nang tumayo at pumunta na sa C.R. para makapag-gayak. Tulad ng sabi ni Duke, mag-lilibot na lang ako rito sa Hawaii hanggat hindi pa naman kami nakakaalis.

Aba, sayang ang adventure.

After prepping myself up, tumingin ako sa full-body mirror na naka-attach sa cabinet door. I'm wearing a floral halter crop top partnered up with a long flowy maxi skirt with a slit on the side, both in floral design.

Satisfied with my look, pumunta na ako sa may kama para kuhanin ang sling bag ko at saka kinuha ang key card sa table para makaalis na ako.

Pagkaapak ko sa labas ng hotel, agad kong isinuot ang sunglasses ko at saka napangiti habang tinitingnan ang paligid. Hawaii is really livelier whenever the sun's out.

I sighed then took a walk near the beach. Matapos kasi nang usapan namin nila Ryle doon sa dagat, hindi na ako nakabalik doon.

Everytime kasi na makikita ko yung sea water, naalala ko yung pag-hawak sa akin ni Duke noon.

I know by now that I'm actually starting to like Duke. And I think hindi na ako dapat maging denial pa reagarding that matter dahil halata ko 'yon.

Pero alam kong hindi pwede. That's why I'm doing my best in trying not to fall too hard for him.

Napangiti ako ng mapait at napatingin sa asul na dagat na hanggang ngayon ay kumikislap pa rin. Kung bakit ba naman kasi nabuo yung contract na 'yon, eh. Specifically, yung requirement na bawal kaming mahulog sa isa't isa.

Gosh, kahirap naman ng marupok. Nakakasakit lagi ng damdamin.

Sa pag-lalakad ko, nakarating na ako sa parte kung saan puro kainan na ang katapat ng dagat. Narinig ko namang kumalam ang sikmura ko kaya nag-kibit balikat ako at pumasok sa isang restaurant.

Dahil nga medyo late akong nagising kanina, hindi na ako nakakain ng breakfast at lunch. I mean, kahit sanay kaming mga doctor na small meal lang ang nakakain namin dahil sa surgery, nakakagutom pa rin kayang mag-miss ng meal.

I ordered a "Hawaiian Plate" dahil mukhang 'yon ang best seller nila. Base rin sa google searches ko, masarap daw 'yon. Nag-dagdag na rin ako ng "Croissada" para sa dessert at coconut juice.

While waiting for my food to arrive, I fished my phone from my slingbag then started scrolling through the social media.

Matagal-tagal ko rin kasi siyang hindi nagagamit at nabubuksan ng matino ang pag-iisip ko. Nung huling bukas ko kasi rito ay noong nakaraang tatlong araw pa, tapos puro kalikot lang ang ginawa ko nun.

Kiss the WindOnde histórias criam vida. Descubra agora