Chapter 18

733 37 2
                                    

Chapter 18: Starting it

Flynn's PoV

After that night, hindi ko na muna kinakausap si Duke.

I still have that awkward feeling in me, after having to confess my feelings that night.

At tulad ng ginagawa ko dati, kapag hindi ko na naman gusto ang nararamdaman ko para sa kaniya, iniiwasan ko siya.

Duke didn't seem to mind it dahil hindi niya rin naman ako kinakausap. And I'm seriously thankful that he doesn't. Mas mapapadali sa akin ang umiwas.

Alam kong hindi na lang tini-trigger ni Duke ang feelings ko dahil siguro he's considering my stand in the contract. Alam niyang hindi ako makakakuha ng 20 million ng ganun ganun na lang.

Well, kung hindi 'yon ang dahilan, baka wala lang siya talagang pakialam sa akin.

Bumuntong-hininga ako at saka sinuot ang scrub ko. It's been a week since that trip pero wala pa rin akong tapang ng loob sa gagawin namin bukas.

Bukas kasi, pupunta na si Mom Louisa sa bahay. I guess I'm kind of relieved na na-move ang pag-punta niya sa bahay dahil nag-karoon pa ako ng ilang araw para iwasan ang lalaking 'yon.

But now that we really have to stay in the same room starting tomorrow (which we did before, pero wala pa kasi akong feelings sa kaniya noon kaya okay lang), medyo kinakabahan na naman ako.

"Huy, halika na! Anong petsa na, oh?"

Napalingon ako sa pinto at nakitang nakadungaw si Clad doon. Tumango ako kaagad at saka ipinasok ang buhok ko sa cap ko bago lumabas ng opisina.

Ako na naman kasi ang naabala niyang surgeon para i-assist siya. Ewan ko ba naman kay Clad, ako na lang lagi ang tinatawag 'pag may surgery siya, eh napakarami namang iba.

"Nakita mo ba si Rome these past few days? Isang linggo na akong nandito, pero ni anino niya hindi nag-papakita."

Tumingin naman sa akin si Clad at saka inayos ang kaniyang salamin.

"Humingi rin siya ng leave a day before you start going to work again. Bibisita raw siya sa probinsiya."

Tumango tango na lang ako dahil dito. Sabagay, mag-buhat nang makarating ako rito sa Maynila, hindi ko pa nakikita na mag-leave si Rome sa trabaho.

Okay na rin 'yon para makapag-pahinga na rin siya sa pang-iinis sa akin. Arot.

"Nga pala, off mo ulit bukas diba? May gagawin ka ba?"

Napatingin ako kay Clad dahil sa tinanong niya sa akin. Nanliit naman ang mata ko habang iniisip kung anong gagawin ko bukas.

"Wala naman, in particular."

"Kung wala, pwede ba-"

"Pero pupunta kasi si Mom Louisa bukas, kaya baka asikasuhin namin siya bukas. Bakit mo natanong?"

Napaiwas naman ng tingin si Clad nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya.

"Ano ba kasing iniisip ko? Wala naman. Natanong ko lang."

Ipinilig ko ang ulo ko dahil alam kong may naibulong siya kanina, pero hinayaan ko na lang dahil baka hindi naman para sa akin 'yon.

Tinapik naman ni Clad ang balikat ko bago kami mag-linis ng kamay namin kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Pasabi na lang kay Tita nangangamusta ako. Nung huli kasi niya kaming inaya, busy kaming lahat kaya hindi namin siya napuntahan."

"Sure. Sasabihin ko."

Kiss the WindDove le storie prendono vita. Scoprilo ora