Chapter 13

820 44 12
                                    

Chapter 13: First Click

Flynn's PoV

I munched my popcorn while watching my favorite movie.

Tinawagan kasi ako ni Clad kaninang umaga. Sabi niya, huwag daw muna ako pumasok dahil I quote:

"'Pag pumasok ka ngayong araw, pababawasan ko yung sweldo mo. You need to rest, you know? Doctor's orders."

Napairap na lang ako nang maalala ko na naman 'yon. Doctor din naman ako, ah?

Tingnan mo nga naman, nakasama lang niya ako sa ilang surgery, ganoon na agad ang way niya ng pakikipag-usap sa akin.

Gosh, ang bilis niyang maging close sa akin, sa totoo lang.

I mean, sino ba naman kasi ang laging nagpapa-assist sa mga surgeries? Si Clad diba? Siya kaya ang maya-maya nagpapahanap sa akin. Paano ko naging kasalanan 'yon?

Isa pa, saan ka naman nakakita ng pababawasan ang sweldo mo dahil pumasok ka sa trabaho? Siraulo rin 'yon eh.

Magbuhat talaga nang makilala ko si Duke, napapadalas talaga ang hindi ko pag-pasok sa trabaho. Lagi ba naman akong ma-stress nang dahil sa kaniya.

I just pushed that thought away dahil naabala lang ako ng mga 'yon. Hindi tuloy ako makapag-focus sa movie na pinapanood ko. Nasa magandang part pa man din ako nito.

"Jack, I want you to draw me like one of your French girls."

Rose started taking her clothes off that kind of caught Jack off guard habang ako naman ay napatakip sa mga mata ko.

Okay, pa-inosente. Alam ko.

Pero hindi naman kasi lahat ng American movie na napapanood ko may biglang nag-huhubad, hano?

Kahit pa pang-ilang beses ko nang napanood 'to, 'di lang talaga ako nasasanay.

I peeked a bit at nakita kong humiga na si Rose sa sofa at kumuha naman na kaagad ng pang-sketch si Jack.

I got immersed easily as Jack started to draw Rose while looking at her with full affection. I stared at them with full of envy.

Like, sana all may Jack.

Like, Rose and Jack is the real definition of true love for me. Sweetness and sacrifices. Watching them never makes me cringe. I just find them sweet and endearing.

Napatingin naman ako sa may staircase nang mapansin kong may pababa doon. Oh, its Duke. Binalik ko rin kaagad ang tingin ko sa TV.

See? Buti pa si Rose may sweet na Jack, samantalang ako, terror boss na "rude" pa yata ang middle name.

Ew. Ayoko ngang angkinin 'yang mokong na 'yan. Over my dead freaking body.

I just shrugged and removed the thought off my mind.

Tumigil naman saglit si Duke sa tabi at saka tumitig sa TV bago siya dumiretso ng punta sa kusina.

Napairap na lang ako sa ginawa niya. I mean, kung gusto niyang manood, edi umupo siya. I just breathed out, ignoring him, at saka nagpatuloy sa panonood at pagkain.

Dito nalang kasi ako nanood sa sala dahil mas malapit ito sa kusina kaysa sa kuwarto ko. You know, mas madaling kumuha ng food.

Maya-maya pa ay napansin ko na siyang lumabas sa kusina. Dumire-diretso siya pataas habang bitbit ang isang tasa na may laman sigurong kape.

Yeah, kape. Mukhang mahilig siya sa ganoon, eh.

Nang makaakyat na si Duke, napatitig ako sa isang corner at may naisip muli.

Kiss the WindWhere stories live. Discover now