Chapter 7

867 58 19
                                    

Chapter 7: Acts and Hello (Part 1)

Flynn's PoV

Madaling araw palang ay pumunta na si Duke sa unit ko. Since Nueva Ecija is a three-to-four-hour drive, it's better if we get there earlier.

Anyway, hindi na ako nagbibitbit ng maraming gamit. Dahil nga balikan lang byaheng ito, I don't need to bring much stuff.

I just brought my personal stuff on my sling bag at saka ako nagsuot ng high-waisted jeans matched with crop-top at sneakers to finish the look. Casual lang dahil sa bahay naman kami pupunta.

Duke casually wore his sky blue polo to match his skinny jeans and slip-on shoes. He let his hair down which made him a bit youthful than his usual look.

Dati kasi, tuwing makikita ko siya ay naka- brush up ang buhok niya, kaya nakaka-refresh ng sight ang hitsura niya ngayon.

Pumunta na agad kami sa parking lot para maaga kaming maka-byahe dahil siguradong magtatagal kami sa Nueva Ecija. Doon ay nakilala si Manong Isko na siyang magda-drive para sa amin.

Chineck ko na ang mga gamit ko kung nandoon ba ang mga kailangan ko. May inabot naman si Duke sa aking bagay before we leave. Kaya naman saglit na napakunot ang noo ko, pero nang makita ko ito, nalinawan ako kaagad.

Oh, a ring.

Nakita kong may suot rin siyang singsing kaya sinuot ko na rin ang ibinigay niya. Siguro ito yung proof na engaged kaming dalawa. Sabagay, baka nga kasi mag-tanong sina Mama kung wala kaming gan'to.

Anyway, when all was good and clear, we set off for our journey to Nueva Ecija.

So last night, I talked to my parents about us going to Nueva Ecija. I told my Mom I'm bringing someone with me. She agreed right away and said she will prepare something for us, when we get there.

Sinabi ko rin sa kaniya na isasama namin ang buong family pabalik sa Manila for an important event held on the day after visiting Nueva Ecija, which is tomorrow. 

Oo, hindi ko pa sinasabing ikakasal na ako sa "event" na 'yon.

Diba sabi ko nga kay Duke, baka hindi maniwala sina Mama 'pag ako lang magsasabi?

So ayun, Mama agreed to it and said she is going to inform Papa and Nina. They would just pack their things para handa na sila pag sinundo namin sa kanila bukas.

Yep, kami ang manunundo. Kasi on the way pabalik galing sa bahay ng Mom niya, tinanong ko si Duke kung pwedeng sunduin na rin namin sila Mama para isang byahe nalang papuntang Manila.

Unexpectedly, pumayag ang mokong sa sinabi ko. Yung family van nalang daw ang bibitbitin niya at yung personal driver niya ang magmamaneho.

Sabagay, baka siguro hindi pa alam ni Duke ang pasikot-sikot ng Nueva Ecija.

After several hours of having an awkward atmosphere being beside Duke, nakarating na rin kami agad sa Cabanatuan. The first class city of Nueva Ecija.

Due to my excitement at syempre, kaunting kaba, hindi ako nakatulog buong biyahe. I'm excited because I can finally meet my family after a long time, at kinakabahan dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon nila pag nalamang ikakasal na ako.

I'm also kind of worried about my emotions. Kung iimbitahan ni Mama si Nina, there's a big chance na nandoon si Vince. And I'm not yet ready to face him.

Anyway, itinuro ko na kay Manong Isko kung saan ang daan papunta sa amin. Kahit uso na ngayon ang maps, it's not actually right all the time. Isa pa, mas mainam na ako na ang magturo kay Manong Isko kasi medyo tago ang bahay namin.

Kiss the WindTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang