Chapter 39

640 23 0
                                    

Chapter 39: Away, But Will Stay

Flynn's PoV

A sad smile immediately crept my face as soon as I woke up this morning.

Malapit nang matapos ang stay ko rito sa Pilipinas dahil pupunta na ako sa States sa isang araw. And like what I expected, mahirap ang makuha ang loob ni Duke sa short time na nandito ako.

I've been doing the same routine for the past couple of days. Wake up early, eat, make something na dadalhin ko kay Duke, tambay sa bahay niya, and go home thinking how I can progress again.

The more I try, the more na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. He was just welcoming every trial that I make kahit na halata namang walang nagiging epekto ang ginagawa ko.

Well, it looks like it wasn't working.

But I'll push my chances 'til the end. Tulad ng ipinangako ko sa kaniya noon, I won't give up until the last minute. Hindi ako bibitaw hangga't sa siya na mismo ang mag-sabing ayaw niya na talaga sa akin.

Nasa kaniya naman ang nakasalalay kung worth it pa ang lahat ng gagawin ko.

My thoughts were disturbed as a familiar tone hits my ears. I creased my forehead before I rose up and reached for my phone that's on the side table to see who the caller is.

Napa-buntong-hininga na lang ako at napangiti nang makita 'to. Geez, I really needed someone like him at a time like this.

"Hey!"

"Hi! Bakit napatawag ka ng ganito kaaga?"

"Gusto lang kitang kamustahin. How are you?"

I sat on my bed with my smile still plastered on my face. The last time I talked to him, he made me do something that I've set my mind on a long time ago.

"I'm fine, Clad. Ikaw? Nung huli kitang makita, itinulak mo pa ako kay Duke."

I just pouted when I remembered how he pushed me towards Duke making me try again. I don't regret it, though. I'm having the best time of my life with Duke, anyways.

"It turned out nice anyway, right? I feel fine, pala."

"That's great! Anyway, yun lang ba ang dahilan kung bakit ka napatawag?"

"Actually, no. I have something to tell you."

"Ano?"

There was a brief moment of silence bago ko narinig ang pag-buntong hininga ni Clad. Napakunot naman ako ng noo dahil doon at saka napaisip. Anong meron?

"Let's meet up. I feel like it's better to talk about this in person than talking about it on the phone."

"Okay? Kelan at anong oras ba?"

"Later. Maybe after an hour or so. Doon na lang sa Mystic Café na malapit sa bahay niyo."

"Sige. I'll just prep up."

"See you."

After that, agad na ibinaba ni Clad ang tawag kaya naman napapiligg ako ng ulo at mas lalong kumunot ang noo ko.

I really have no idea kung ano ang balak niyang sabihin sa akin dahil nga sa tingin ko naman ay wala naman na akong dapat alamin. I mean, if it's for work, baka nag-karoon pa ako ng idea.

Ah. Baka yun nga 'yon.

Nag-kibit balikat na lamang ako bago ako tumayo at dumiretso sa cabinet para kumuha ng damit. Siguro ay tungkol lang sa pag-balik ko sa States ang magiging usapan namin.

Kiss the WindWhere stories live. Discover now