Chapter 10

875 51 14
                                    

Chapter 10: First Day

Flynn's PoV

I bopped my head when I heard a good song coming from the car's radio. After the night at the hotel, nagpasundo na kami kay Manong Isko para makapunta na kami sa kani-kaniyang bahay.

Napagdesisyonan namin ni Duke na sa bahay niya kami titira nang magkasama for two years.

Alam kasi naming hindi maiiwasan ang pag-bisita ng mga kapamilya namin kaya kailangang nakatira kami sa ilalim ng iisang bubong.

We're currently on our way to my condo para makakuha na ako ng mga gamit ko. I still think I should leave some in my condo dahil madalas nga akong kailangan sa hospital.

At tulad ng sabi ko dati, it's best kung mas malapit ako, para madaling makapunta pag kinailangan.

Surprisingly, walang tumawag sa akin ngayong araw. Sa totoo lang, dapat kasi ay nakabalik na ako sa hospital ngayon. Hanggang kahapon lang kasi ang leave ko.

So in short, absent ako ngayon.

Tatawag na lang siguro ako mamaya kay Doc Clad na mag-eextend ako ng isang araw. I hope he does understand though. Alam niya namang kakasakal-este kakakasal ko lang kahapon.

Napabuntong-hininga na naman ako. Nagpatuloy na lang ako sa pag-enjoy ng music dahil malayo pa naman ang condo ko.

Binukas ko na rin ang phone ko para mag-facebook habang hinihintay ang pag-usad ng sasakyan namin.

Tulad kasi ng inaasahan, traffic na naman dito sa EDSA. Lagi naman, eh. Malala lang talaga ngayon dahil weekend. Lahat halos ng sasakyan ay nakalabas dito at nakikiepal sa traffic.

A few more hours, nakarating na kami sa condo ko. Bumaba na ako sa sasakyan at dumiretso na sa entrance ng building.

"Arianna!"

Napalingon naman ako kay Duke nang bigla niya akong tawagin. Sinenyasan niya akong lumapit dahil parang may sasabihin siya.

Nag-abot siya ng isang sticky note na may naka-sulat na number.

Teka, bago ko tanungin kung kanino yung number, saan galing yung sticky note?

Ah, ewan.

"That's Manong Isko's number. He will pick you up later after you finish packing your stuff. You can just call him anytime."

Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Agad kong nilabas ang phone ko at saka sinave ang number ni Manong Isko habang nag-sasalita siya.

"Eh, ikaw?"

"I can't accompany you."

Tumango na lang ako sa kaniya dahil doon. 'Di naman sa kailangan ko siya mamaya 'pag susunduin na ako. Na-curious lang.

"By the way, I might not be able to go home tonight. My secretary just called to tell me about a problem in a branch sa Taiwan."

Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Tinaas ko ang isang kilay ko habang 'di makapaniwalang tumitig sa kaniya.

Tinanong ko ba?

Nag-abot siya muli sa akin ng isang sticky note na may nakasulat na namang number. Binasa ko kung kaninong number 'yon at nakita ang "Mom" sa taas ng numbers, kaya binukas ko ulit ang phone ko para i-save 'yon.

"Mom might call you later. She's very nosy about details. I just told where I might be, in case she asks you. Well, that is if I can't go home tonight."

Binigyan ko na lang siya ng isang tango.

"May sasabihin or ibibilin ka pa ba?"

"Ah, I called the people in my house earlier. When you reach my house, the maids will show you your way to your room."

Kiss the WindWhere stories live. Discover now