Chapter 20

754 36 7
                                    

Chapter 20: Sun Rises

Flynn's PoV

I just stared at the thing above my desk, thinking who the hell it came from.

Pagka-pasok ko kasi ng opisina kanina, binigay sa akin ng isa sa mga junior residents ko ang isang bouquet ng mga puting rosas. I just received it dahil nakasulat din sa papel na kasama nito na para sa akin talaga 'yon.

Pero kahit anong pilit kong isipin kung kaninong hoodlum nanggaling 'yan ay wala talaga akong makatas. Paano, ganito kasi yung sabi:

I know this is wrong, but seeing you today made it right. Enjoy your day, Flynn. Take Care. -C

Napakamot ako sa ulo ko at saka inalis ang tingin sa bouquet na 'yon. Come to think of it, the person who got me this kind of knew that I like white roses.

Hmm. Baka coincidence lang.

I just shrugged and placed the bouquet near my personal stuff dahil kesa isipin ko pa kung sino ang nag-padala niyan, sasagarin ko na lang ang sarili ko sa trabaho.

Isa pa, I have my mind pretty much occupied at the moment. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang ginawa namin ni Duke.

Unconsiously, naramdaman kong umangat ang kamay ko at napahawak sa labi ko. I could still feel his lips against mine.

I bit my lip para pigilan ang ngiting ipapakita ng mga labi ko. Geez, did that really happen? Shit, kinikilig na naman ako.

Isa pa ang sinabi niya pag-katapos niyang gawin 'yon. I was very much flustered because of it, pero may parte sa loob ko na mas nahuhulog pa sa kaniya dahil sa pinaggagagawa niya.

Ano kayang nakain ng mokong na 'yon that day? Kung anu-ano na lang kasi ang sinasabi at ginagawa niya sa akin, eh.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko, pati na ang pagkawala ng pinipigilan kong ngisi kanina. Automatic namang nag-react ang mga kamay ko at saka napatakip sa mukha ko dahil dito.

Nang ma-realize ko kung ano ang ginagawa ko, I blinked several times at saka tinampal ng mahina ang pisngi ko. Nakakainis naman, eh. Naiistorbo ang puso ko kapag naiisip ko yung mga pinaggagagawa niya sa akin.

I just diverted my attention in reviewing and checking the patient's records that I was taking care of. Yeah, mas magandang ilayo ko na lang ang isip ko sa bagay na 'yon.

Napalingon kaming lahat ng nasa office nang makarinig kami ng isang katok sa pinto. Sumungaw naman dito ang isang taong matagal ko nang hindi nakikita.

"Rome!"

Kumaway siya kaagad sa akin at saka nginitian ang mga kasama namin sa opisina. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at saka siya sinalubong ng hampas sa likod.

Yep, hampas sa likod. Aba, hindi siya nag-sabing mag-pupunta pala siya sa Nueva Ecija. Kahit papaano naman nakaka-miss yung kalokohan niya, hano.

"Aray naman, Flynn. Grabe ka naman, kadarating ko pa lang, eh."

Napangiwi naman siya habang hinihimas ang parting hinampas ko sa kaniya. Narinig ko naman ang pag-singhap ng ilang junior residents namin, pero binalewala ko lamang ang mga 'yon at saka napatawa dahil sa hitsura niya.

Akala mo kasi siyang nakakain ng maasim na pagkain dahil sa pagkaka-ngiwi niya, eh. I just couldn't help but laugh my ass out!

"Gosh, akalain mo 'yun? Namiss ko yung pang-aasar mo kahit papaano?"

Muli akong napahalakhak habang sumama lang ang tingin sa akin ni Rome. Pumunta na rin siya kaagad sa desk niya, kaya ganoon na lang din ang ginawa ko.

Kiss the WindKde žijí příběhy. Začni objevovat