Kabanata 1

2.4K 76 17
                                    


#KKP2Kabanata1
@levelionwp

-------------------------------

Kabanata 1
4 Years


Unti-unti ng napupuno ng tao ang concert ground dito sa cebu. Nakatakda kasing mag concert ngayon dito ang Downtown. Dahil may VIP pass kami ng mga kaibigan ko galing kay Code, hindi na kami pumila. Actually, nanggaling pa nga kami sa backstage at sinilip ang Downtown na abalang naghahanda. Binigyan lang namin ng goodluck message ang mga ito at saka nagtungo na kami rito sa harapan ng malaking stage.

Marami ang fans na nakakakilala sa akin dahil sa lantarang pagpapakilala ni Code sa akin noon, pero naka face mask naman akong itim at nakatali ang mahaba at kulay apoy kong buhok, na sinakluban ko ng navy blue new york yankees, baseball cap. Kaya walang nakakapansin sa akin ngayon. Ganito ang parati kong disguise kapag concert niya.

May dalawang malaking LED screen sa magkabilang gilid ng stage at mayroon din sa gitna. Naka-flash sa magkabilang screen ang concert poster at sa gitnang screen naman ay paulit ulit na lumalabas ang clip ng isang makulay na outer space.

Hindi rin mawawala ang mahabang ramp stage para kay Code. Si Code kasi iyong tipo ng performer na napakalikot sa entablado. Ginagawa niyang playground iyon, habang buong puso siyang kumakanta.

"Fifteen minutes na lang." dinig kong sabi ni Tyron na bakas ang excitement sa mukha habang nakatingin sa kanyang wrist watch.

Nababalot ngayon ng kulay asul na ilaw ang buong entablado at may ilang staff ang nagpapalakad-lakad doon, sinusuring mabuti kung nasa ayos ang lahat.

Ilang beses na akong nakakapunta sa concert ng Downtown, kaya alam ko na ang ginagawa ng production team bago magsimula ang concert.

They are the people behind the concert that also work really hard, so that everyone can enjoy the show.

Kung tutuusin nga ay hindi naman na namin kailangan makipagsiksikan ng mga kaibigan ko dito sa audience area, but we always choose to be there, so that we can feel the concert more.

Gusto ni Code na doon daw ako manood sa backstage para hindi ako mahirapan, pero kapag doon ako nanonood ay hindi ko gaanong nafefeel na nasa concert ako.

Mas gusto ko na mahirapan, basta makita ko siya ng harapan.

Dahil lalong dumarami ang tao, nararamdaman ko na rin na sumisikip na sa pwesto namin. I'm glad my friends are boys, they're like my human shield, ready to cover me up, so that no one can harm me.

"Oh, shit." mariin at mahinang mura ni Tyron na nasa left side ko.

Naramdaman ko naman ang pag-cover ni Robert ng kamay niya sa likod ko, mula sa left side ko at saka nilingon niya ang mga nagtutulakan sa likod.

"Hey! Wag nga kayong magtulakan. In case you didn't know, my tao rito." aniya na sinamaan pa ng tingin ang ilang babaeng nagtutulakan sa likod namin.

"You okay?" concerned na tanong sa akin ni Robert nang muli siyang bumaling sa akin.

Tumango naman ako sa kanya at nginitian siya.

"Ito kasi, eh! Wag nga kayo manulak. Nakakahiya kay kuyang pogi."
"Pogi nga, suplado naman."

Pigil ko ang pagtawa ko habang naririnig ko ang sinasabi ng mga babae sa likod namin.

"Suplado ka daw." biro ko kay Robert.

"Psh. I don't give a damn." aniya.

"Ang tagal." reklamo ni Felix na panay ang pindot sa cellphone niya. Ganoon din si Joe na nasa tabi ni Robert.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now