Kabanata 34

2.4K 100 30
                                    

PAKIBASA:
Hindi po ako makakapag update ng friday. It's either on saturday or sunday kasi next chapter will be Code's POV.

btw: Iyong song na nilagay ko dyan. That's only intended for this story. Wala talagang ganyang kanta, baka lang may magtanong kung ano title at sino kumanta. But I called it 'Somebody like you'. Ayun lang, thank you.

--------------------

Kabanata 34
Encore

Alas nuebe pa lang ay nagrerehearse na ako. Kahapon pa naka-set up ang stage rito sa coliseum at abala ang prodstaff sa pag-aayos ng kung anu-ano. Mula rito sa taas ng stage ay natatanaw ko sa ibaba na nag uusap-usap ang lighting designer, master crew at set designer.

"One more time!"

Muling nagbalik ang pag-iisip ko sa choreographer na nasa unahan.

Tatlong araw ko ng pinapractice ang sayaw na itinuturo nito sa akin. Dito nga halos nauubos ang oras ko tuwing rehearsal, hindi kasi ako madaling makapick up ng steps, pero ngayon ay kabisado ko na ito at pinapractice na lamang namin para mas maging polido ang galaw ko. Tinuturuan din ako ng mga tamang galaw ko sa stage, habang tumutugtog at kumakanta ako. Of course, hindi dapat ako pumirme lang sa gitna. Kailangan ko rin maging galawgaw o energetic sa entablado. I need to make this concert on fire. And to do that, I need to show them something new, a hidden skills perhaps.

"Sige nga iyong mga back-up, tignan ko muna kayo."

Pabagsak akong naupo sa stage. Inabutan naman ako ng tubig ng isa sa mga staff.

Naghahabol ako ng hininga nang muli kong ilibot ang paningin ko sa ibaba ng stage, nasa gilid si tita Araceli na seryosong kausap ng stage manager.

Muli ay dumapo ang tingin ko sa nag-uusap na crew kanina, nadagdag na ngayon doon ang technical director na mukhang may inerereklamo sa master crew.

Kanina ay nakukuha ko pang makipag kulitan sa mga backup dancer na makakasama ko, pero ngayon ay parang nauubos na ang energy ko.

Nag-angat ako ng tingin sa stage manager na pumalakpak upang kuhanin ang atensyon namin.

"Tama na muna iyan. Let's have some lunch first, pumunta na kayo sa backstage." anunsyo ng stage manager.

"Persis, kumain ka na muna darling. Halika, bumaba ka na riyan." yaya saakin ni Tita Araceli.

Sa hagdan ay may crew na umalalay sa akin sa pagbaba. Nasa limang baitang na di naman gaanong mataas.

Habang paalis ako ay narinig ko pang may pinagagalitang staff ang master electrician.

Matagal ko ng alam ang mga hirap na ginagawa ng mga prodstaff. I admire their hardwork and dedication, mapaganda lang ang show. Mas lalo ko nga rin naaappreciate ang trabaho nila dahil aktwal kong nakikita iyon sa mismong concert ko.

Sa backstage ay naroon ang catering para sa mga staff na nakapila na upang kumuha ng kani-kanilang pagkain. Nasa apat na klase yata ng ulam ang naroon bukod pa ang dalawang klaseng dessert.

Dahil bukod ang lunch namin sa mga staff ay nagtungo kami sa Novotel. Isa sa pinakamalapit na hotel dito sa coliseum. Pumasok kami sa isa sa mga restaurant dito na may buffet lunch.

"Wag kang kumain ng marami, Persis. Baka sumakit ang tyan mo mamaya, mabigla iyan." pabulong na bilin ni tita Araceli.

Wala rin naman akong balak na kumain ng marami.





Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang muna kami saglit, nagkwentuhan at nagpahayag ng mga expectation nila para sa magaganap na show mamaya at ala-una na nang magpasya kaming bumalik na sa coliseum.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora