Kabanata 28

1.5K 64 21
                                    

Kabanata 28
Simplicity

Natatanaw ko na ang mga kabundukang akala mo'y malapit lamang sa iyo, ngunit sa tuwing lalapitan mo'y animo lumalayo. Ang malalawak na kaparangan sa magkabilang gilid ng daang tinatahak namin. Ang luntiang paligid at ang patag na lupang medyo mabato ay nagpapahiwatig sa akin na narating ko na ang paroroonan ko.

Dahan-dahan kong ibinaba ang bintana ng sasakyan. Agad namang pumasok ang sariwang hangin sa loob nito, dala ang amoy ng natuyong dahon at singaw ng nabasang lupa at magdamag na hamog.

Magtatanghalian na ngunit hindi ganoon kainit ngayon. Kaya marahil marami akong nakikitang batang nagpapalipad ng saranggola sa bukid.


"Persis!"

Nasa mukha ni inay ang kasabikan nang patakbo niya akong lapitan at saka mahigpit na niyakap ako, pagbaba ko ng sasakyan.

Tatlong buwan din nang huli ko silang makita.

Si itay Noel at mang Dario naman ay pinagtulungang ibaba ang maleta ko at isang box ng mga pasalubong ko para sa kanila.

"Tamang-tama ang dating niyo. Nagluto ako ng pansit at sinigang na hipon. Halina't mananghalian na tayo." yaya ni inay.

"Nasaan po si Simplicity, inay?"

"Naroon sa kwarto, natutulog. Napakaagang gumising kanina ng batang iyon. Marahil nakakaramdam na paparating ka." nakangiting kwento ni inay.

"Puntahan ko po muna siya."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni inay. Sabik na pumasok na ako sa bahay namin at nagtungo sa silid ng mga magulang ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko at napahawak ako sa aking dibdib at saka marahang hinagod ito nang makaramdam ako ng paninikip ng paghinga.

Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang mahigit isang taong gulang kong anak. Mahimbing itong natutulog sa puting crib na nasa gilid ng kama ni inay at itay.

Simplicity Jane Buenrostro. Ang pangalang ibinigay ko sa kanya.

Humakbang pa akong lalo palapit sa crib upang mas mapagmasdan ko ang anak kong natutulog.

Nadudurog ang puso ko habang tinititigan ko ang anak ko.

Ang dahilan kung bakit mas lalo akong nagpursige na ituloy ang pagpasok sa industriya ng musika. 

Aminado ako na noong nalaman kong buntis ako ay kinabahan ako. Nagsimula ang mga sintomas ng pagbubuntis ko noong minsang muntik akong matumba sa school, dahil nakaramdam ako ng hilo. Akala ko noon ay gutom at puyat lang ang sanhi 'non at ilang araw kong binalewala lang iyon. Hindi rin naman kasi ako gaanong nakakaranasan ng morning sickness noon. Ang alam ko nang mga panahong iyon ay stress ako dahil sa mga nangyayari.

Isang linggo buhat ng makaalis sila Code ng Pilipinas ay nagsimula naman ang pagdinig ng kasong isinampa ko kay Remington Ynarez. Sa araw din na iyon ay nagsimula na akong makaramdam ng iba pang sintomas ng pagbubuntis. Nariyan na biglang iikot ang sikmura ko sa kung anong masangsang na pabangong naamoy ko.

At sa mga sumunod na araw ay doon lang ako nagkamay na bigyan ng kahulugan ang mga nararamdaman ko sa mga nakalipas sa mga nakalipas na araw. Hindi ko man lang naisip na iyong pagiging matakaw at antukin ko, pagiging emotional. Sinyales na pala iyon ng pagbubuntis ko.

Halo-halo ang takot na naramdaman ko nang malaman ko na nagdadalang tao ako. Una, nag-aaral pa ako at pangalawa ay baka si Remington Ynarez ang ama ng dinadala ko.

Wala akong planong ipalaglag ang bata kung mapapatunayan ko man na anak ko siya kay Remington, pero hindi ko maipapangakong makakaya ko siyang tanggapin ng buo. Iyon ang tumatakbo sa isip ko.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now