Kabanata 30

1.8K 76 14
                                    

Kabanata 30
Birthday Party

Naexcite si tita Araceli nang sabihin ko sa kanya na iniimbitahan din siya ni Don Leonardo sa party nito bukas at dahil wala rin siyang pang party dress ay nag decide na kaming mamili sa mall na nasa tapat lamang ng hotel na tinutuluyan niya.

Habang nag-iikot ikot kami rito sa boutique na pinasukan namin ay nakuha ang atensyon ko ng isang isang v-neck halter dress na suot ng mannequin. Royal blue ang kulay 'non at hanggang hita lamang ang haba, na mayroon pang dalawa o tatlong pulgadang slit o hiwa sa gilid.

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Hindi pa ako nakakapagsuot ng ganitong dress sa buong buhay ko and I feel like wearing it.

Ayaw na ayaw ni Code na nagsusuot ako ng mga revealing dress and that's the reason why I have to buy this one. Gusto ko na mapukaw ko ang atensyon niya sa muli naming pagkikita at wala akong pakialam kung sa hindi magandang paraan ko makukuha ang atensyon niya. What's important is I have to get his attention.

Ngunit sa isang sulok ng isipan ko ay itinatanong ko kung may pakialam pa ba si Code sa akin, para magalit siya kung makikita niya man akong nakasuot ng ganitong klase ng damit?

"Don't tell me that's the dress you want to wear for the party tomorrow night, darling?" Tila namamanghang tanong ni tita Araceli na nakataas ang isang kilay at may nakakalokong ngiti sa akin.

"Why not? It looks good. At saka, mukha namang bagay sa katawan ko." paliwanag ko.

Nagkibit balikat ang manager ko at sinipat ang dress na suot ng mannequin na nasa harap namin.

"It's just that I never saw you wear a dress like this. You always love to wear those lace and long dresses with sleeves. It's quite unusual, darling."

Nginitian ko si tita Araceli at saka tinawag ang saleslady.

Nang isukat ko ang dress ay saktong-sakto lang ang sukat nito sa akin. Para bang it was really made for me. But showing too much skin, gives me chill and at the same time, naeexcite ako na isuot ang dress na ito at makita ang reaksyon ni Code.

Umaasa ba ako na may mahahagip akong expression sa mukha niya na magugustuhan ng puso ko?

Alas singko na nang hapon nang maghiwalay kami ni tita Araceli at alas-sais pasado naman nang makabalik ako sa Katibangahan.

Pagpasok ko ay naabutan ko si Simplicity na naglalaro ng kanyang baby alive.

"Hello, baby doll!" pagtawag ko sa anak ko.

Nag-angat ng tingin niya ai Simplicity at parang hinahaplos ant puso ko nang malapad itong ngumiti na para bang sabik na sabik siya sa akin. Binitawanan niya pa nga ang manika niya at tumayo mula sa pagkakasalampak sa carpet at  kumaripas ng takbo palapit sa akin.

"Diyos ko kang bata ka! Dahan-dahan!" nag-aalalang saway ni inay sa anak ko, habang sinusundan niya ito.

Sinalubong ko naman si Simplicity at nang magtagpo kami ay naupo ako sa sahig at niyakap ko siya at saka hinalik-halikan ang kanyang  pisngi.

"Ang bango-bango naman ng baby doll ko."

"Mama, lalo balbie. Danda, mama balbie."

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinakikinggan kong nagkukwento ang bulol kong anak na minsan ay parang pang nagsasalita ito ng pang ibang planeta.

Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga habang tahimik na pinagmamasdan ang anak kong ngayon ay kinakalikot ang shoulder bag ko.

Kung hinayaan lang ako ni Code na makausap siya noon pa ay siguro, nasasabik din siyang umuwi ngayon ng Ashralka dahil kay Simplicity.

Muli kong ibinalik ang isip ko sa kasalukuyan.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now