WAKAS

3K 125 43
                                    

I dedicate this chapter to my very supportive reader and online friend, Jonalion  (Persis Neshamah Jamaica Suriaga) ayan na. haha

Maraming salamat sa mga sumubaybay ng Kahit Konting Pagtingin Book 2. Halos dalawang taon din ang lumipas bago ko nagawa ito. Finally! Kontento na ako sa ending ni Code at Persis at sana maging masaya na rin tayo para sa kanila.

By the way, I will start writing Wild Lonesome Beauty after this. It's under Ashralka Heirs Series and it is the last story, but not the least. 

Sana sa mga susunod na storyang gagawin ko ay makasama ko pa rin kayo hanggang sa huling kabanata.

----------------------------

WAKAS

Bago magsimula ang concert ng Downtown ay isang live interview ang hinanda para sa kanila.

Naroon sila ngayon sa Diamond Hotel kung saan sila naka-stay for a days na rin.

Narito naman ako ngayon sa unit ko sa makati, kasama ang parents ko at si Simplicity. Inaabangan namin sa tv ang interview ng Downtown.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang interview sa kanila. Tutok na tutok ako sa TV, pati si inay at itay. Si Simplicity ay nakaupo sa carpet at naglalaro ng mga toys na binili ni Code sa kanya.

Maayos na nakaupo ang Downtown sa kanang bahagi at nasa kaliwa naman ang babaeng interviewer na hindi nawawala ang ngiti, ngunit bakas ang kaba rito dahil napakalikot ng mga kamay niya na pinaglalaruan ang tila post card size na karton, marahil naglalaman ng mga katanungan na ibabato niya sa Downtown.

Dahil mag coconcert pa lang ang Downtown ay tungkol sa mga preperasyon nila sa concert ang itinanong ng babaeng interviewer, naroon din ang tanong tungkol sa kanilang album at ang reaksyon nila sa muling pagbabalik dito sa pinas, matapos ang kanilang dalawang taong paglisan sa bansa. Naitanong din kay Code ang tungkol sa kanyang engagement.

"Actually, I have to clear something to everyone."

Nag-init ang pisngi ko nang iclose up ang mukha niya. Namumungay ang mga mata niya at para bang kaharap ko lang siya.

Masyadong naging visible din ang maliit na nunal niya sa ilalim ng labi, sa may right side.

"What is it?" curious na tanong ng interviewer, ngunit naroon pa rin ang kanyang ngiti.

"Aviana and I. We're over. There's no wedding between me and her anymore. There's no third party, pareho naming ginusto 'to at tinanggap ng magaan sa loob."

Nagbigay din ng pahayag niya si Aviana nang gabi matapos ang interview ng Downtown. Sa instragram live ni Aviana ay ito ang nagsabi na siya ang nakipag hiwalay kay Code at maluwag niya ang lahat, but she didn't mention about me. Tinanggap din ng mga tao ang nangyaring hiwalayan sa pagitan nila ni Code dahil naroon ang walang halong kaplastikan na ngiti sa labi ni Aviana habang inilalarawan nito ang mga nangyayari sa buhay niya matapos niyang makipag hiwalay kay Code. And that means, she's happy with her decision.



Kinabukasan matapos ang interview sa Downtown at sa balitang hiwalayan ni Code at Aviana. Ngayon ay magaganap naman ang kanilang concert sa isang open ground.

Sa hiling ni Code ay patungo rin ako ngayon doon, kasama si Simplicity.

Matapos ayusan ng kanyang make up and hairstylist si Code ay nakipaglaro muna ito kay Simplicity, habang ako naman ang inaayusan din ng make-up artist sa hindi ko malamang dahilan.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now