Kabanata 23

1.3K 62 5
                                    

Kabanata 23
Palitan

Nanginginig ang buo kong katawan habang nakasakay ako sa taxi, papunta sa condo ni Code. Iyon ang usapan namin kanina, that I will be staying with him tonight. At kung hindi man iyon ang plano namin ay iyon pa rin ang gagawin ko.

Pagkatapos ng nangyari sa akin, wala akong gustong makasama at makita ngayon kung di si Code lamang.

Yakap ko ang sarili ko habang nakaupo ako rito sa likod ng taxi. Kanina pa naglalandas ang luha sa mga pisngi ko. Nagpupuyos ako sa galit at mas lalo kong nararamdaman ang kabiguan dahil ang pag-iyak lang ang kaya kong gawin.

Masakit ang buo kong katawan. Siguro dahil sa pagpupumiglas ko kanina. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kamao ng lalaking iyon, na sinikmurahan ako kanina. Ang palad nitong dumapo sa pisngi ko nang malakas ako nitong sinampal. Ang mapupusok na halik niya sa labi ko na gumapang sa buo kong katawan, pati ang marahas na pag-angkin niya sa akin.

I was raped at hindi ko alam kung paano ko ilalaban ang bangungungot na karanasang ito. Paano ako lalaban sa isang taong makapangyarihan?

Bakit kasi ang tanga-tanga ko? Bakit nagpauto na naman ako sa isang lalaking katawan ko lang pala ang habol sa akin.

Hindi pa ba ako nadala sa nangyari sa akin noon? Muntik na akong ma-rape ni Philip noon. At ngayon nagpauto na naman ako, nadala sa magagandang salita and this time, hindi ko na nagawang protektahan ang sarili ko.

"Ma'am, nandito na po tayo."

Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at saka nagbayad sa driver at bumaba ng taxi nito.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng building.

"Good evening, ma'am." nakangiting bati sa akin ng security guard.

Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pa itong nginitian at saka nagtungo ako sa front desk.

"Nasa unit niya na ba si Code?" tanong ko sa babaeng receptionist. Umiiwas na magtagpo ang mga mata namin.

"Opo, ma'am. Kararating lang." nakangiting sagot nito.

Nagpasalamat ako rito at saka ko ito tinalikuran at nagtungo ako sa elevator.

Pagpasok ko sa elevator ay muli kong niyakap ang sarili ko. Napayuko ako at hindi ko na naman napigilang mapaiyak. Paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang kahayupang ginawa ni Remington Ynarez sa akin. Dinumihan niya ang pagkatao ko, binaboy niya ako.

"Ipakukulong kita, Hayup ka!" bulalas ko habang isinusuot muli nito ang jogger pants niya.

Ngumisi ito na para bang wala lang sa kanya ang pagbabanta ko.

"Go on, tignan natin kung sino sa atin ang paniniwalaan ng marami. Ikaw na isang nangangarap na maging sikat na singer ngunit wala pang napapatunayan o ako na may magandang kredibilidad sa industriyang ito? Magmumukhang tanga ka lang sa gagawin mo, Persis. Ipapahiya mo lang ang sarili mo."

Pinilit kong tumayo mula sa kinauupuan kong leather couch at isa-isang dinampot ang mga saplot kong nagkalat sa sahig.

"Baka ikaw pa ang kasuhan ko. Nakalimutan mo na bang may pinirmahan kang kontrata sa akin? Pwede kong gamitin iyon, kung sakaling, hindi mo mapatunayan ang pagbibintang mo sa akin. Ikaw din." mala demonyong ngumiti ito. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko? Ang daming babaeng nag-aalok sa akin ng sarili nila, pero ikaw...gusto mo talaga na pinupwersa ka pa."

"Demonyo!"

"Gusto mo pa bang ituloy natin ang recording mo ngayon o sa ibang araw na lang?"

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now