Kabanata 19

1.3K 59 9
                                    

Kabanata 19
Please

Nagsalubong ang mga kilay ni Chard at nag-igting ang kanyang mga panga, habang nakatingin siya sa malayo na tila nag-iisip. "How dare he hide it from us." mariin niyang sabi. Nakita ko pa ang panginginig ng kamao niyang nakakuyom sa ibabaw ng manibela. 

"Pinagmukha niya kaming tanga. Wala kaming kaalam-alam sa mga nangyayari, Persis." mahinahon ngunit galit na sabi pa ni Chard.

"Nauunawaan kita."

Narinig ko ang mahinang mura niya kasabay ng pagpalo niya sa manibela.

"Wala ka bang ideya kung saan nagpunta si Code? We really need to talk to him. He can't do this."

Saglit akong nag-isip. Ilang buwan pa lang ako rito sa manila at wala rin akong gaanong alam na lugar dito. Kapag patago naman kaming lumalabas ni Code ay sa mga restaurant lang kami pumupunta. Kung may higit man na nakakaalam ng mga pinupuntahan ni Code ay silang magkakabanda dapat iyon, dahil sila ang madalas na magkakasama.

"Baka nasa clubhouse?" that's the only place that comes to my mind.

"Tumawag na ako sa clubhouse kanina at wala raw siya roon. Pinuntahan na rin nila Gervin ang ilang clubs at bars na pinupuntahan namin but he wasn't there." bumuntong hininga si Chard at saka ako nakikiusap na tinitigan. "Kung sakali man na puntahan ka niya. Please talk to him, Persis. If possible, convince him to go back to the band. Hindi pwedeng basta-basta na lang siyang aalis sa banda. Kakausapin ko naman si Mr. Frazer. Hindi ko hahayaan na masira ang bandang ito." naroon ang determinasyon sa himig ni Chard nang sabihin iyon.

Pagkatapos naming magkausap ni Chard ay hinatid niya ako sa bar ni ate Alyanna pero hindi na siya bumaba sa kanyang kotse.

"Goodluck." alanganing nginitian niya ako. Naroon pa rin sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa mga nangyayari at ako man din ay nababahala pa rin.

Hindi ako masyadong nag-aalala na hindi mahagilap si Code ngayon dahil nararamdaman ko na nandyan lang siya, but he wants to be alone. He's probably thinking. Ang labis kong pinangangambahan ay ang mga susunod na mangyayari after his announcement to the press that he will withdraw himself from the band at natatakot din ako sa ilalabas na statement ni Mr. Frazer.

Pagpasok ko sa bar ay marami ng tao ang naroon. Isang nakaiindak na musika ang bumabalot sa lugar. Naglilikot ang ibat-ibang kulay ng liwanag, ngunit ang mapusyaw na mabaya ang sumasakop na liwanag sa kabuohan ng lugar.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid upang hanapin si ate Alyanna na nahagip ko sa bar counter. Her legs crossed, sitting in a high stool and laughing with a man.

Hindi pa man ako nagsisimulang lumapit sa kanya ay nakita kong napatingin na rin siya sa kinaroroonan ko. Nginitian niya ako at saka sumenyas na lapitan ko siya, nakita ko pa ngang bumulong siya sa lalaking kasama niya na agad namang lumingon sa akin.

Habang papalapit ako sa kanilang dalawa ay hindi ko maiwasang mailang sa mga titig na ipinupukol sa akin ng lalaking kasama ni ate Alyanna. The man looks familiar, para bang nakita ko na ito noon. 

"Magandang gabi po." bati ko kay ate Alyanna at saka hinarap ko ang kasama niya para batiin sana ito pero saglit akong napatitig sa mukha nito.

Ngayon ko mas nasilayan ang itsura ng lalaki. Maikli ang pagkakatabas ng buhok nito sa magkabilang gilid at mahaba ang sa tuktok, the top of his hair swept upwards from the forehead at para bang isang katutak na hair gel or wax ang ginamit upang manatili sa ganoong ayos iyon.
Malalalim ang mata nito, na para bang napakaraming itinatago 'non, matangos ang kanyang ilong sa karaniwan at ang mga panga nito ay nagsusumigaw na hinulma ng perpekto. The man is dangerously attractive in his late twinties or nasa early thirties na ito. Iyon ang tantya ko.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now