Kabanata 31

1.7K 83 33
                                    

Kabanata 31
Aftershock

Sa halip na magpahatid ako sa bahay ay nakituloy na lang muna ako kanila Robert. Atleast kay Robert, kumportable akong maglabas ng sama ng loob. Ayoko rin naman na makita ako ng mga magulang ko na ganito.

Sa isang kilalang village dito sa La Solimatra, nakatayo ang ancestral house nila Robert. Pawang mga nakakaangat lamang sa buhay ang mga nakatira sa village na ito at kasama roon ang pamilya ni Robert.

Sa ngayon ay mag-isa na lang si Robert sa bahay nila dahil ang pamilya niya ay pinili ng mag migrate sa America, four years ago. Kahit anong pilit ng pamilya niya kay Robert na sumama sa kanila sa ibang bansa ay nabigo lamang ang mga ito. Robert has a deep facination to our town, that's why he doesn't want to leave this place.

Yakap ko ang mga tuhod ko habang nakatalukbong ng berdeng comforter ang giniginaw kong katawan at nakaupo ako sa asul na leather couch, dito sa malaking living room nila Robert.

Nag-angat ako ng tingin nang matanawan ko si Robert galing sa kusina at naglalakad palapit dito.

"Inumin mo." Inabot niya sa akin ang isang puting mug na umuusok pa ang laman. Sa aroma nitong nalalanghap ko natitiyak ko na gatas ang laman 'non.

Marahan kong kinuha ang mug kay Robert. "Salamat."

Yumuko ako at tinignan ang laman nito. Gatas nga.

"Call your parents after. Ako na ang bahalang magsabi sa iba na umuwi na tayo, siguradong hinahanap na tayo ng mga iyon." ani Robert na dinukot sa kanyang bulsa ang cellphone niya.

Maya-maya'y narinig ko siyang nagmura.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi bumubukas ang phone ko. Nabasa kasi."

"Oh. I'm sorry."

"Sorry? Bakit ka nagsosorry? Katangahan ko kaya nabasa ang phone ko. Wala kang kasalanan doon." nagkamot siya ng ulo at nanggigigil na pinindot pindot ang phone niya.

"Kunin ko lang iyong isa kong cellphone." paalam niya nang sukuan niyang buksan ang hawak niyang cellphone.

"Ilubog mo iyan sa bigas, Rob." suhestyon ko sa kanya.

"Yeah, I'll do it."

Muli akong humigop sa mug na hawak ko at saka napatingin sa kawalan habang paulit-ulit na nag rereplay sa isip ko ang announcement ni Code kanina.

Marahas akong napabuntong hininga. Parang pinipiga ang dibdib ko at nararamdaman ko na naman ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha ko.

Kasalanan ko naman kung bakit wala na sa akin ang puso ni Code ngayon, kasi ako naman ang nagdesisyon na bitawan at pakawalan siya. Ang sabi ng isip ko ay tama lang ang ginawa ko, pero salungat doon ang isinisigaw ng puso ko.

Hindi ko pinagsisisihan na nakipaghiwalay ako kay Code noon. Maganda naman ang naging epekto 'non sa kanya at sa akin, but I can't say that I'm contented with my life now. Even if it's easy for me now to get what I want, it's still hard to find complete happiness that I'm looking for, because the only one that can do that, is him. Code is my contentment, his the one that can makes me feel complete.

Bago pa tumulo ang mga luha ko ay pinahid ko na agad ito ng aking mga daliri at saka muling bumuga ng mabigat na buntong hininga.

"Persis, your manager wants to talk to you." ani Robert habang naglalakad siya pabalik dito.

Nagdadalawang isip na kinuha ko ang phone niya at itinapat sa tenga ko.

"Hello?"

"Persis Neshamah Buenrostro!" nasa himig ni tita Araceli na galit ito at handa na akong tanggapin ang nakaambang panenermon nito sa akin.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now