Kabanata 27

1.5K 62 15
                                    

Kabanata 27
2 years

Sa gitna ng isang malaking stage ay nakatutok sa akin ang spotlight. Nakaupo ako sa isang bar stool, nasa kandungan ko ang aking acoustic guitar at sa harap ko ay may mikroponong nakakabit sa stand na pumapantay sa direksyon ng bibig ko.

Naghihiyawan ang ilang libong manonood. Isinisigaw ang pangalan ko na may kasama pang papuri.

Sa isang sulok ng stage na may malamlam na liwanag, nakapwesto roon ang isang di kilalang banda upang humalili sa pagtugtog ko.

"Good evening!" nakangiting bati ko sa lahat.

Mas lumakas ang hiyawan ngunit huminto rin agad ito at nawala. Itinutok nila ang cellphone nila sa akin. Nakaabang para kuhanan ang performance ko.

Concert ng Zenith ngayon at guest lang naman ako, ngunit ramdam ko ang init ng pagtanggap nila sa akin.

"Habang naghahanda ang Zenith sa susunod na isang oras nilang performance. Nandito ako para handugan kayo ng isang kanta. Lalo na sa mga taong patuloy na nagmamahal, sa taong matagal ng nakalimot sa kanila."

"Aww!" sabay sabay na ungot ng mga tao.

Mapait naman akong napangiti. "Sana dumating iyong panahon na...kaya niyo ng sabihin na masaya kayo ng hindi nasasaktan ang puso niyo. Sana kaya niyo ng magpatuloy at magmahal muli. Kahit na, hindi na siya ang makakasama mo."

Yumuko at nagsimula akong mag strum.

"I hear you're taking the town again, having a good time with all your good-time friends"

Nag-angat ako ng tingin, patuloy na nag sa-strum habang pikit ang mga mata.

"I don't think that you think of me, you're on your own now...and I'm alone and free."

Muli akong dumilat. Dama ang bawat lirikong lumalabas sa bibig ko.

"I know that I should get on with my life, but a life lived without you could never be right. As long as the stars shine down from the heavens, long as the rivers run to the sea... I'll never get over you, getting over me."

Kinagat ko ang ibaba kong labi. Naninikip ang dibdib ko at nararamdaman ko ang init sa gilid ng mga mata ko.

"I try to smile so the hurt won't show, tell everybody I was glad to see you go, but the tears just won't go away....loneliness found me, looks like it's here to stay."

Muli akong yumuko at tinignan ang pag sastrum ko at saka muli rin nag-angat ng tingin.

"I know that I oughta find someone new, but all I find is myself always thinking of you"

Hindi ko siya maiwasang alalahanin sa tuwing kinakanta ko ito. Bakit nga ba eto ang kinakanta ko? Kung alam ko namang masasaktan ako.

Para akong naghagis ng bola sa dingding na tumalbog din pabalik sa akin.

"Oh, no matter what I do each night's a lifetime to live through, I can't go on like this, I need your touch... and you're the only one, I've ever loved..."

May ilang napapalakpak nang huminto ako. Pikit mata at nakatingala habang ang mukha niya ang nasa isip ko. Ang nag-iisang lalaking minahal ko.

At sa muli kong pagdilat ay muli akong nagpakawala ng damdamin habang kumakanta.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon