Kabanata 25

1.5K 51 14
                                    

Kabanata 25
Wrong

"Hindi ko sinasabi ito, dahil ayoko kay Persis. Magaan ang loob ko sa kanya. Kaya lang ay hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala na lang ang lahat ng mga nangyayari ngayon, gusto kong isipin na tama ako. Tama ako, na baka mali talaga kayong dalawa ni Persis, para sa isat-isa. Hindi ba't naghiwalay na kayo noon? Noong nawala siya sa buhay mo, hindi ba't halos maabot mo na ang tuktok ng pangarap mo?"

Tahimik kong pinakikinggan na nag-uusap si Code at sir Gerry sa sala. Hindi ganoon kalakas ang usapan nila. Siguro dahil sinabi ni Code na narito ako at ang buong akala nila'y natutulog pa ako dahil maaga pa at holiday ngayon kaya wala akong pasok.

"Hindi ba't muntik mo ng tanggapin ang offer sa iyo ng isang international record label noon? Kung hindi mo lang piniling manatili sa Downtown at para makasama muli si Persis. And did you know that the band, under that record label---"

"Yeah, The Hellsaint band." walang kagana-ganang sabi ni Code na pinaiikot sa kamay ang remote ng tv.

"They are conquering the world of music. They are now the biggest band in the world."

Hindi ko alam na may ganoong offer kay Code noon. Hindi niya naikukwento sa akin iyon.

"I'm happy with the Downtown. Hindi ako nagsisisi na hindi ko tinanggap ang offer na iyon, sir Gerry."

"You're happy with them, but you're happier with her. Kaya hindi mo iyon tinanggap."

Nagtaas ng tingin si Code sa manager at kitang-kita ko ang paggalaw ng muscles sa kanyang mga panga. "Sinisisi mo si Persis sa mga nangyayari ngayon, iyon ba ang gusto mong ipahatid sa akin? Saan ba pupunta ang usapan na ito?"

"Ang gusto ko lang naman, Code. Wag mong isugal lahat sa pag-ibig. Magtira ka naman kahit kaunti sa iyo, dahil hindi ka nakakasigurado kung tama ba ang pinipili mo."

Nanunuyang ngiti ang pinakawan ni Code. "Alam ko kung ano ang tama at mali sa ginagawa ko." matigas niyang sabi.

Bumuntong hininga si sir Gerry na nakaupo sa single couch.

"Pagkatapos mong makipagbalikan kay Persis noon. Anong nangyari, Code? Ang daming dumating. Ang daming nagulo. Siguro nga nalalampasan mo naman at hindi rin ganoon kalaki. Pero etong ngayon, sobra na. Muntik ka ng makapatay. Hindi ka nag-iisip!"

Hinilot ni Code ang kanyang sentido. "Ayan na naman tayo, eh. Napag usapan na natin 'to, diba?"

"Katulad ng sinabi ko kanina, baka hindi si Persis ang tamang babae para sa iyo. Baka hindi----"

"Shut up!"

Halos mapatalon ako sa pagtataas ng boses ni Code kay sir Gerry.

"I know that you're my manager but don't make me hate you."

Tumayo si sir Gerry sa kanyang kinauupuan. "Gusto ko lang ipaalala sa iyo na may pangarap tayo. Sabay-sabay nating binuo 'to, Code. Kayo ng mga kabanda mo at nalulungkot ako dahil pakiramdam ko, wala ng halaga sa iyo ang lahat ng pagpupursige na ginawa natin."

Nang makita kong humakbang si sir Gerry palabas ng unit ni Code ay nagmamadali akong bumalik sa kama. Patagilid akong humiga, patalikod sa pinto. Ipinikit ko ang mga mata ko, kunwaring natutulog pa kung sakali mang pumasok si Code.


"I know you're awake."

Nagdilat ako nang mga mata nang marinig ko ang boses ni Code. Dahan-dahan akong humarap sa pinto at doon ay nakita ko si Code na nakasandal sa hamba ng pinto at nakahalukipkip.

"You heard us?"

"I'm sorry. Hindi ko---"

"No. Don't say sorry. Wala iyon."

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon