Kabanata 15

1.4K 54 8
                                    

Kabanata 15
Car date

Pagkatapos ng unang set ko ay pumalit sa akin ang isang banda na may tatlong lalaki at isang babaeng miyembro. Binati pa nga nila at pinuri ako nang magkasalubong kami pagbaba ko ng entablado.

Sa pagbaba ko rin ng stage ay masaya akong sinalubong ni Brayden na abot tenga ang mga ngiti nang icongratulate ako. Bahagya pa nga akong nagulat at nanigas nang yakapin niya ako.

"Ang galing mo! Ate Alyanna was so amazed." ani Brayden habang nakayakap siya sa akin.

Agad din naman niya akong pinakawalan at parang gusto kong maguilty na nabigyan ko ng malisya ang pagyakap sa akin ni Brayden gayong nakita ko sa mukha niya na sadyang masaya at proud lang talaga siya sa akin.

"Halos lahat nga, gusto ng mag request ng kanta sa iyo dahil bilib na bilib sila sa ganda ng boses mo." dagdag pa ni Brayden.

"Nasaan si ate Alyanna?" tanong ko naman.

"May kausap na customer. Alam mo kanina, Persis. Parang ang gaan-gaan ng pak-------"

Pasimpleng dinungaw at hinanap ng mga mata ko ang lalaking nakapwesto kanina sa mesa na nasa dulo. Mula kasi rito sa gilid ng backstage ay matatanaw ang mga customers. Kaya lang ay wala ng nakaupo ngayon doon sa mesa na nasa dulo at hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko kung bakit para akong nalulungkot dahil wala na ang lalaking nakaupo roon.

"Persis, hey? Are you listening to me?" pukaw ni Brayden sa akin.

Nahihiya at hilaw naman akong napangiti sa kanya. "Sorry. Parang may nakita lang kasi akong kakilala ko." sabi ko at saka hinimas ko ang aking batok.

"Sino?" dumungaw din si Brayden sa mga customers na nag-eenjoy sa tugtog ng banda na nasa stage ngayon. "Saan ba banda?" curious na tanong pa ni Brayden na talagang hinahanap rin ang hinahanap ko.

"P-Parang kakilala ko lang naman, kaso wala na, eh. Nakaupo siya roon sa dulong mesa, kanina."

"Baka kakilala mo nga talaga iyon?"

Parang tinambol ng malakas ang dibdib ko at nanayo ang mga balahibo ko sa pamilyar na boses na narinig ko at nanggaling iyon sa aking likuran. Sa boses pa lang niya ay ramdam na agad ng puso ko ang pananabik. Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata ni Brayden na tumatagos ang tingin sa taong nasa likuran ko.

Dahan-dahan akong lumingon at napasinghap nang makita ko si Code na nakapamulsa sa suot niyang itim na trouser, naka-tuck in ang suot niyang denim short sleeves na nakatiklop ang dulo ng manggas, nadedepina roon ang kanyang biceps. Ang tatlong butones naman sa itaas ng kanyang short sleeves ay naka-unbuttoned, kaya sumisilip ng bahagya ang kanyang broad chess.

"Code!"

Patakbo ko siyang nilapitan upang yakapin. Naluluha pa ako nang ilahad niya ang mga braso niya na handang ikulong ako rito.

Isang nakaw na sandali na naman ang nagbuklod sa amin ni Code nang tuluyan kong maramdaman ang mainit niyang mga bisig. Para bang napakatagal naming nawalay sa isat-isa, sa paraan ng pagyakap niya. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Code at tuluyang pinakawalan ang mga luha kong nag-unahan sa pag alpas, sa aking mga mata. Naghahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ko ngayon.

Parang ayaw na akong pakawalan ni Code sa paraan ng pagyakap niya. His embrace is full of security and tenderness. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko.

"Anong ginagawa niyo----Oh my God! C-Code Realonda?!"

Nag-angat ako ng tingin at nilingon ang kararating lang na si ate Alyanna. Nakayakap pa rin ako kay Code nang masilayan ko ang itsura ng bar owner na halos hindi kumukurap habang nakatitig ito kay Code. Nangingislap ang mga mata nito na animo mga bituin at bakas sa mukha nito ang pagkamangha.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz