Kabanata 8

1.4K 54 13
                                    

Kabanata 8
Ngayon



"Nakakahiya!"

Sinapo ko ng aking palad ang mukha ko habang nakaupo ako sa mahabang sofa. Si Code naman ay nakaupo sa reclining chair at pangiti-ngiti habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa morning news na pinanonood niya.

Laman ng entertainment news ang mga kaganapan sa party kagabi at highlight ang pagkalasing ko at pagyayaya kay Code na halikan niya ako.

Ano na ang mukhang mahihirap ko ngayon sa lahat? Siguradong mas maraming bashers ang aatake sa akin ngayon.

"Please, patayin mo na iyan!" nahihiyang utos ko sa kanya.

"But I'm watching." nakangising sabi niya.

"Code naman, eh!"

"Alright, alright. Papatayin na po."

Ipinatong ko ang mga paa ko sa sofa at niyakap ko ang aking mga tuhod. Sinulyapan ko si Code na walang suot na pang-itaas. Nakadekwatro siya sa kanyang kinauupuan, nakahalukipkip habang hinahagod ng daliri niya ang kanyang mga labi.

Nakatingin siya sa akin na para bang inoobserbahan niya ako.

"Sana panaginip na lang ang lahat." huminga ako ng malalim. "Ako lang din ang gumagawa ng bagay na ikasisira ko sa mga fans mo na maaaring makasira rin sa iyo. I'm sorry."

"I'll settle it. Don't bother yourself too much." ani Code.

"Sana hindi mo na lang ako hinalikan." sabi ko sa kanya.

Umangat naman ang isang sulok ng labi ni Code. "But you're tempting me and I can't help it."

"You should. Ikaw ang may control ng gabing iyon!"

"Pero ayokong pahiyain ka sa lahat kung tatanggihan kita. Marami ang nakarinig ng pang-aaya mo sa akin na halikan ka and besides, hindi mo pa man ako inaaya kagabi ay gustong-gusto na talaga kitang halikan. Pinipigilan ko lang ang sarili ko."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Don't worry, maglalabas ako ng statement sa nangyari kagabi. Napag-usapan na namin ni Mr. Frazer iyon. Ayokong maging masama ang tingin sa iyo ng mga tao. Wala silang karapatan na husgahan ka, dahil lang sa ginawa mo kagabi."

Humikbi ako. "But we can't please everyone. Kahit na magpaliwanag ka pa. Hindi lahat makakaunawa."

Marahas kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi.

"Tara nga rito." tinapik ni Code ang hita niya.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at saka naupo ako sa kandungan niya.

Marahang pinunasan ni Code ng daliri niya ang mga luha sa gilid ng mga mata ko at saka ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko. Ako naman ay niyakap siya sa leegan.

"Ano ba kasi iyong siniserve nilang cocktail drink kagabi? Nakatatlo o apat na baso lang naman ako 'non, huh? Bakit tinamaan agad ako ng ganoon?"

"Bone dry martini, I guess. Malalasing ka agad doon kung mahina ang alcohol tolerance mo. Bakit kasi uminom ka?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Noong una, kasi...medyo natense yata ako dahil sa hindi mo pagpansin sa akin, after mong malaman na isa sa mga Zenith ang nakapalagayan ko ng loob. Tapos iyong pangalawa ay pagkatapos kong kausapin iyong dalawang babae sa banyo na nilalait-lait ako para sa iyo."

Kumunot ang noo ni Code. "You heard them talking about you?"

Tumango ako at parang batang nagsusumbong kay Code.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now