Kabanata 5

1.4K 54 4
                                    

Kabanata 5
Publicity

Para kaming mga pipe ni Code. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin habang kumakain kami.

Tanging tunog lamang ng mga kutsara at tinidor na kumikiskis sa plato ang maririnig sa bawat sulok ng condo.

Nauna akong matapos kumain kay Code. Tumayo ako at kinuha ang pinagkainan ko para dalhin sa lababo.

"Hmm..." tila umuungol na sabi ni Code habang naglalakad ako patungong kusina, na di naman kalayuan dito sa dining area. "Hindi lang magaling kumanta ang girlfriend ko. Ang sarap din magluto." malakas na sabi niya na halatang nagpaparinig at inuuto ako, pwede rin na pinagagaan niya ang kalooban ko.

Kunwaring binalewala ko ang pamumuri niya at saka nagpatuloy ako sa paglalakad, hanggang sa mailagay ko sa sink ang plato ko.

Itinukod ko ang mga kamay ko sa lababo at saka ipinikit ang mga mata ko at bumuntong hininga.

Ramdam ko naman ang sinserong paghingi ni Code ng tawad sa akin kanina. Nakikita ko rin sa mukha niya ang guilt, kaya ayoko ng pahabain pa ang miscommunication at understanding na ito.

Siguradong hindi rin ako makakatulog ng mahimbing kong matutulog akong may sama ng loob sa kanya.

Akmang babalik na ako sa dining area nang maramdaman ko ang pagpulupot ng malalaki at maugat na braso ni Code sa baywang ko.

I bit my lower lip when he pressed my body against him and gave me soft kisses on my shoulder.

"Why did you come to the studio? Diba, nag-usap na tayong hindi ka pupunta roon?" aniya.

Kumunot ang noo ko. So, he knew? But why he sounds mad? Para bang binabaliktad niya ang sitwasyon namin at ako naman ang pinalalabas niyang mali?

Tinanggal ko sa baywang ko ang nakapulupot niyang braso at saka umikot ako paharap sa kanya. Nakulong akong muli nang ilagay naman ni Code sa magkabilang gilid ko ang kanyang braso at itinukod ang mga kamay niya sa sink.

Napalunok ako habang bahagyang nakatingala sa kanya at nakayuko naman siya, mariin at seryoso ang mga titig niya sa akin. Parang nanghihigop ng lakas ang mga titig niya.

"Masama na palang pumunta ako sa studio ngayon? O, baka dahil ayaw mong makita kita kung paano makipag landian sa babaeng kasama mo?"

Tumaas ang kilay ni Code at umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi, at saka mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya sa akin. Napaliyad naman ako upang ilayo ang mukha ko sa kanya.

I can't breathe. My heart pounding really fast and It feels like something's burning inside of me.

"Iyan ang dahilan kung bakit ayokong papuntahin ka sa studio. Dahil ayokong mag-isip ka ng kung ano sa mga makikita mo. Ayoko na mag selos ka."

Umirap ako sa kanya. "Who wouldn't get jealous? Panay ang bulungan niyo at wagas ka kung makangiti habang kausap siya and that's when the camera is off."

"There's nothing between me and that girl. We're both working professionally, Persis. You know it's just for work. Hindi maiiwasang makita mo kami na nag-uusap behind the camera, that's because we want to feel comfortable to each other. Nakita mo naman siguro kung gaano ka-awkward ang posisyon namin kahapon, we just want to lighten up the mood. I don't even remember that girl's name."

"Oo na. Tanggap ko ng trabaho lang iyong ginawa mo. Ang kinaiinis ko ay iyong pagiging late mo, Nicodemus."

"I told you awhile ago that the big boss----"

"Stop. I don't need your explanation anymore. I've heard it already. You're late, you made me wait. Done talking. Tsaka na tayo ulit mag-usap, kapag hindi na mainit ang ulo ko, pwede?"

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now