Kabanata 12

1.3K 49 22
                                    

Kabanata 12
Break up

"Nakatira kami ngayon sa iisang dorm ng mga kabanda ko at ang record labels mismo ang nagbabayad ng bills namin." kwento ni Brayden habang nakaupo kami dito sa lovers lane, umiinom ng milktea.

We're not lovers pero masarap kasing tumambay dito kasi malilim at mapuno. Actually, marami namang magbabarkadang nakatambay dito, kaya hindi awkward tumambay dito, kahit hindi kayo magkasintahan. Isa pa, maraming bakante at nagkalat na concrete bench dito sa gilid. Ang ilan naman ay mas pinipiling maupo sa luntiang damuhan. Alas-singko na rin kasi ng hapon, kaya hindi na mainit at isang oras ang break namin ngayon. Hanggang eight thirty pa kami rito sa school, pero every friday lang naman ako inaabot ng gabi rito. Kung hindi ako masusundo ni Code ay pinasusundo niya ako, but he promised to pick me up later.

"So, you've been independent since highschool?" namamanghang tanong ko kay Brayden.

"Yup."

Sa araw-araw na magkasama kami ay mas lalong dumami ang nalalaman ko tungkol sa kanya at ganoon din siya sa akin. We have other friends naman. Actually, dahil blocked section kami ay halos malapit na kami sa mga classmates namin, but then we always want to be alone and isolate ourselves to them. Maybe because we both enjoy the company of each other, mas trip namin na magkwentuhan ng kami lang, kasi marami kaming bagay na pinagkakasunduan.

"Ang galing mo naman. Pinabibilib mo ako, Bray. Sana kasing lakas ng loob mo ang loob ko." sabi ko sa kanya.

Nalaman ko pa kay Brayden na nasa Cebu ang parents niya, tinakwil siya ng tatay niya noong tumungtong siya ng first year dahil parati raw siyang napapaaway, nagbubulakbol at imbes na pag-aaral ang inaatupag ay mas pinipili niya pang tumugtog sa kung saan-saan. Sa madaling salita, tutol ang parents niya sa pagiging musikero niya, hanggang sa isang araw ay nagising na lang daw siya na pinalalayas na ng tatay niya. Nagpagala-gala raw si Brayden dito sa maynila, hanggang sa isang araw ay naisipan niyang mag apply bilang mang-aawit sa isang bar sa burgos street.

Brayden reminds me of Code, noong naulila siya at pinasya niyang lisanin ang Ashralka.

Hindi ko alam kung sino kay Code at Brayden ang talagang may mas mabigat na karanasan noon, pero alam ko na pareho silang naghirap at nagsikap kaya nila natatamasa ang mga bagay na meron sila ngayon.

Napahawak ako sa dibdib ko at hinagod ito nang maramdaman ko ang paninikip nito. Nanunubig na rin ang gilid ng mga mata ko at nanlalabo ang aking paningin at ilang saglit lang ay hindi ko na rin napigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Nalulungkot ako sa hirap na pinagdaanan nila and I think they really deserve all the success that they have now, because they fight for their dream. But why there's only one that has to be on top? Nakakalungkot na pareho naman silang nagsikap, pero iisa lang ang pwedeng umangat? Why there's only one if it can be both? Paano naman iyong hirap ng isa? Hindi ba pwedeng equal?

"Persis, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Brayden na natatarantang pinunasan ng daliri niya ang luhang naglandas sa pisngi ko.

"Natutuwa lang ako na pagkatapos ng hirap na pinagdaanan mo. Unti-unti mo ng natutupad ang pangarap mo. Laban lang, huh."

Ngumiti si Brayden at saka pinisil ang ilong ko.

"You're such a cry baby." aniya.

"Bray, masakit!"

"Ang tangos ng ilong mo. Ang sarap pisilin." aniya nang tanggalin na niya ang kamay niyang pinisil ang ilong ko.

"Siya nga pala, baka naman matulungan mo ako kung may bar ba rito na naghahanap ng singer? Gusto kong subukan. Siguro kung magsisimula akong tumugtog sa mga bar, hindi lang talent ko ang maaaring madevelop, kung di pati iyong confident ko."

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now