Kabanata 9

1.4K 52 20
                                    

Kabanata 9
Nananabik



"Natutuwa akong makita kang muli, Persis. Mabuti na lang at napadalaw ka." ani donya Leticia.

Narito kami ngayon sa konkretong asotea sa mansion ng mga Bergancia. Mula rito sa kinauupuan naming synthetic rattan sofa na kulay krema ang foam, tanaw na tanaw dito ang malawak at luntiang kapatagan na may nagkalat na iilang kabayo. Pasalubong ang ihip ng hangin kung kaya't napakapresko rito.

"Pinangako ko po kay Code na bibisitahin ko kayo rito. Nanghihingi nga siya ng paumanhin dahil hindi siya nakauwi ngayon. Hectic po kasi ang schedule niya."

Sumimsim si Donya Leticia sa baso niyang may juice. "Wala naman kaming magagawa. Pangarap ni Code ang lahat ng iyan, eh. Kaya susuportahan na lang namin siya. Alagaan mo ang pamangkin ko, Persis."

Ipinatong ni Donya Leticia ang palad niya sa kamay kong nasa ibabaw ng aking hita.

"Wag mong pababayaan ang pamangkin ko. Kahit na malayo siya sa amin ngayon ay panatag ang kalooban ko dahil nandyan ka para kay Code. Kaya sana, wag kang magsasawa sa kanya."

Nginitian ko ang Donya. "Mahal ko po si Code at hinding-hindi ako magsasawa sa kanya."

Inalis ni Donya Leticia ang kamay niya sa hita ko at tumingin sa malayo. "Sayang at wala ang kuya ngayon dito."

"Nasaan po pala ang Don? Kamusta po pala siya?"

"Nasa coconut plantation. Lately ay nagkakaroon ng sunud-sunod na aberya sa planta at nakikita ko kay kuya na nahihirapan siya. Gusto ko man siyang tulungan pero, wala akong sapat na kaalaman doon at saka, napagkasunduan kasi namin na siya ang mangangasiwa ng mga planta at ako naman sa kumpanya. Kung sana, nagkaroon lang ng interest si Code sa mga negosyo ni kuya."

"Hayaan niyo po, Donya Leticia. Babanggitin ko sa kanya ang tungkol doon."

"Tumatanda na si kuya at walang ibang magmamana ng lahat ng ari-arian niya, kung di si Code. Kaya sana, kahit kaunti ay magkaroon naman ng puwang kay Code ang mga ari-arian na pinaghirapang alagaan at paunlarin ni kuya. Bakit hindi niya ulit subukang pag-aralan ang paghahandle ng mga iyon."

"Sigurado akong mapapag-isipan din po ni Code ang tungkol sa bagay na iyon. Wag kayong mag-alala. Nasa puso pa rin niya ang pamilya niya."

"Nakakalungkot nga na mas ginagamit niya pa ang Realonda, kaysa sa Bergancia. Pakiramdam ko tuloy ay hindi niya pa talagang tanggap ang pamilyang ito."

Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Donya Leticia at sa tono ng kanyang pananalita ay nararamdaman at nahihimigan ko roon ang malalim na pagtatampo.

"Wag niyo pong isipin iyan. Mahal kayo ni Code. Ginagamit niya lang ang Realonda bilang stagename, pero kapag pumipirma ng autograph iyon ay parati niyang isinasama ang Bergancia." pagpapalubag loob ko sa Donya.





Hindi ako nagtagal sa mansion dahil kinahapunan ay nakipagkita naman ako kay Robert sa talampas.

"Hindi ka na ba talaga magtatagal dito?" tanong ni Robert habang tila nagsusumamo itong nakatingin sa akin.

Nakaupo kaming pareho sa damuhan. Si Robert ay nasa magkabilang gilid ang mga braso at nakatukod sa damuhan ang mga palad habang ang kanyang mga paa ay tuwid na nakalatag sa mga damo. Ako naman ay naka indian seat at kandong ang aking gitara.

Napakaganda ng tanawin mula rito. Punong-puno ng kapayapaan at katiwasayan ang buong paligid na pinalilibutan ng kabundukan, burol, parang at malalawak na palayan. Napakaganda ng luntiang paligid na pumapalibot sa amin at ang asul na kalangitan na nagsasabing napakaganda ng umaga. Ang mga ito ang pinagmamalaking kayamanan ng Ashralka na hahanap hanapin ng sino mang mapapadpad dito.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now