Kabanata 18

1.3K 59 6
                                    

Hi to Mary Joy B. Cabigas. Belated happy birthday, dear. Thank you for the love and support for me and my stories.

--------------------------------
Kabanata 18
Quit


"Hindi. Hindi ka aalis sa banda, Code. Hindi mo gagawin iyan."

Hinaplos ng isa kong kamay ang pisngi niya. "Tumingin ka sa akin. Please, tingnan mo ako. Sabihin mo sa akin na hindi mo gagawin iyon."

Dahan-dahang siyang nag angat ng tingin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang diterminasyon, tila hindi magpapatinag.

"Kaya kong gawin iyon." aniya. "Kung hindi magbabago ang isip nila, Persis." napailing-iling siya. "Sobra na." dagdag niya pa.

Muling tumalim ang mga tingin ni Code, naghihimagsik ang bawat sulok ng kanyang mga mata. "Hindi na tama ang ginagawa nilang pagtrato sa iyo at hindi ko na palalampasin pa ito. Kung hindi ka nila kayang tanggapin, pwes wala na ring dahilan para makisamahan ko pa sila." mariin niyang sabi.

Malakas ang kutob ko na hindi na mababago pa ang isip ni Mr. Frazer. He's stubborn, he don't take opinions because he will do whatever he wants and as for Code, hindi rin ito patitinag sa kanyang mga desisyon.

Their determination is equal at para bang kapag nagbangga sila ay magkakaroon ng isang malaking pagsabog.

Tinanggal ko ang kamay ko sa pisngi niya. "Kung hindi nila ako ibabalik bilang lyricist. Paano ka? May kontrata ka sa kanila, Code. Maaari kang makasuhan sa gagawin mo."

Walang mababakas na pagkabahala sa mukha niya. Ngumiti pa nga siya na para bang nanghahamon. "It doesn't matter. I'll be glad to see them in court."

Shit. Ako ang natatakot para kay Code. Masyado siyang nadadala ng kanyang emosyon at hindi ko akalain na siya ang mas higit na magdaramdam sa ginawang pagtanggal sa akin ni Mr. Frazer bilang lyricist ng banda.

Kung alam ko lang na aabot sa ganito ang magiging desisyon ni Code ay inilihim ko na lang sana ito. Pero kung gagawin ko naman iyon ay baka mas malala pa ang sitwasyon na kaharapin namin ni Code.

Sa madaling salita. Ano man ang gawin kong kilos at pagpapasya, ang lahat ay may kahihinatnan. There's no way out to leave it all. I have no choice but to face it.

"Code! It's alright. Tatanggapin ko na lang ng maluwag ang desisyon nila. Kaya pakiusap, wag kang aalis sa Downtown. Isipin mo ang mga kabanda mo, Code." pagmamakaawa ko sa kanya.

"They'll be fine without me. Afterall, I don't really want this kind of fame. It's making my life chaotic."

Nalaglag ang mga balikat ko. Ako ang nanghihinayang sa desisyon na ginagawa niya.

"But it's your dream."

"Pero kung ang pangarap ko 'tong ang sisira sa atin. Mas mabuti pang kalimutan ko na lang ito."

Ipagpapalit niya ang pangarap niya para sa akin?

Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang bumagsak sa mga mata ko, ngunit kahit gaano katinding pagpipigil ang ginawa ko ay tuluyang naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi.

Nang makita ako ni Code na umiiyak ay agad din na naglaho ang tapang sa kanyang mukha. Napalitan ng lambing ang mga tingin niya sa akin habang pinupunasan niya ang mga luha ko at saka dahan-dahan niya akong kinulong sa kanyang nga bisig at masuyong hinagod ang buhok ko.

"Ayokong masira ang pangarap mo, Code." umiiyak kong sabi, sa pagitan ng bawat hikbi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Code.

"Hush. Wag mo ng isipin iyon."

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now