Kabanata 33

1.9K 86 14
                                    

Kabanata 33
Nagdurusa

Paglabas ko sa tent na pinag-iwanan ko kay Code ay agad na hinanap ko si Robert. Natagpuan ko itong nakahalukipkip at nakatayo sa isang tabi habang nakikipagkwentuhan sila ng mga kaibigan ko sa Downtown.

Paglapit ko kay Robert ay agad kong kinuha ang kanyang pulsuan at saka hinila ko siya palayo sa lahat.

"We have to go, bye!" paalam ko sa kanila habang hinihila ko si Robert na hindi ko naman narinig na nagreklamo. Nagpatianod lang ito sa panghihila ko.

Pero ang mga naiwan namin ay bakas ang pagtataka sa mukha. May ilan pa ngang balak magprotesta ngunit walang naglakas loob.

Binitawan ko si Robert nang makalabas na kami ng school gate.

"Nasaan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.

Ngumuso siya at saka tumuro sa malayo.

"Let's go!" yaya ko pa sa kanya.

"What happened?" tanong ni Robert sa akin habang sabay kaming naglalakad patungo sa pinagparadahan niya ng kanyang sasakyan.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ako sumagot. "Alam na niya. Sinabi ko na."

Tila namamanghang namilog naman ang mga mata nito. "Anong sabi niya?"

Nagkibit balikat ako na ikinalukot ng noo nito. "Bakit hindi mo alam?" naguguluhan niyang tanong.

"Kasi pagkasabi ko sa kanya ng tungkol kay Simplicity, natameme siya sa kinatatayuan niya. Hindi siya makapagsalita."

Narating na namin ang sasakyan ni Robert na pinatunog niya.

"Nabigla iyong tao, syempre hindi talaga agad makakapagsalita iyon." natatawang sabi niya bago siya pumasok sa loob ng kanyang kotse.

"Nagkasagutan din kasi kami bago ko ipagtapat sa kanya ang tungkol sa anak namin." ikinabit ko ang seatbelt ko nang makapasok na rin ako sa loob ng sasakyan. "Kaya 'nang sabihin ko sa kanya na puntahan niya si Simplicity sa bahay at ipakikilala ko sa kanya ang anak namin ay umalis na ako."

"And how sure are you na pupuntahan nga niya ang anak ninyo? Alam niya ba ang bahay mo? At saka, hindi basta basta naniniwala si Code nang walang sapat na eksplenansyon. Sana'y nag explain ka man lang sa kanya. Paano kung hindi siya maniwala na anak niya si Simplicity?" ani Robert na binuhay ang ignition.

"Naisip ko na rin iyan, na baka hindi siya maniwalang anak niya si Simplicity, because of what I've been through before. Pero kapag nakita niya ang anak namin, hindi siya magdududa na nananalaytay ang dugo niya kay Simplicity. Maniniwala siya, Robert. Balat ko lang ang namana ng anak ko sa akin and the rest of my daughter's features scream his genes!"

"At iyon ay kung pupunta nga siya." tila nagdududang sabi pa ni Robert na ang tingin ay nakatuon sa madilim na daan.

Tanging ang headlights lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag sa daanan namin.

Lumingon ako sa labas ng bintana at tinanaw ang madilim na palayang nadaraanan namin ngayon. Hindi ko na nga malaman kung nalampasan na ba namin ang palayan. Katulad ng walang katiyakang mangyayari bukas.

"He will." deklara ko na lamang.

Ibinibigay ko ang tiwala ko kay Code, kahit pa sa malalim na bahagi ng damdamin ko ay naroon ang agam-agam.








"Kape muna tayo, Rob." yaya ko sa kanya nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Hindi na. I need to get back to them. Anong oras ang alis mo bukas? Pupunta ako rito para makapagpaalam, sigurado kasing matatagalan na naman bago tayo magkita ulit." naroon sa himig ni  Robert ang lungkot sa nalalapit kong pag-uwi.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon