Kabanata 16

1.3K 47 13
                                    

Kabanata 16
Lyrics


Hindi mapawi ang ngiti ko hanggang ngayon. Tahimik na nagmamaneho si Code habang hinahalik-halikan niya ang kamay kong nakasalikop sa kamay niya.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay parang hindi pa rin ako nakakaahon sa mainit na eksenang pinagsaluhan naming dalawa, sa loob pa nitong bagong sasakyan niya. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang init ng katawan ni Code sa buo kong sistema. His warmth is like an ecstasy, lingering inside of me.

Mabibilang lang sa daliri ang mga nakaparadang sasakyan dito sa basement parking ng building kung nasaan ang dorm ko. Marami pang pwedeng pagparadahan ang sasakyan ni Code, pero pinili niyang ipark ang kanyang hummer sa gitna ng pula at puting sedan. Siguro upang hindi kami gaanong mahagip ng cctv na naroon sa gilid. 

Agad akong bumaba sa kotse ni Code habang may kinakalikot siya sa compartment.

"Wag ka ng bumaba." bilin ko pa sa kanya dahil nangangamba ako na makilala siya sa cctv.

Binuksan ko ang pinto sa backseat upang kuhanin ang bag at gitara ko ngunit sa pagkabigla ko ay binuksan din ni Code ang salungat na pinto at inunahan pa akong kunin ang gitara ko, kaya iyong bag ko lang ang nakuha ko.

"Sabi ko sa iyo, wag ka na lumabas. Ang kulit mo, Nicodemus." naiinis kong sabi.

"Suot ko naman ang disguise ko. Wala ng makakakilala sa akin, Persis." aniya. "At saka, gusto kong makita ang dorm mo." dagdag niya pa.

He's wearing black new york yankees, baseball cap and plain black facemask. His usual disguise.

Pero sa panahon ngayon, masyado ng matatalino ang mga fans, magaling na silang mangilatis. Kahit nakatakip yata ang mukha ng idolo nila ay kaya ka na nilang makilala sa pamamagitan ng pag-oobserba nila sa galaw ng mga ito, minsan ay sa figures o kaya ay sa mga accessories na sinusuot ng mga idols nila at sa hikaw pa lang na krus ni Code na parati niyang  suot at naging trademark na rin niya, siguradong mabubuko agad siya ng fans. Iyon ay kung kakalat ang cctv footage na ito.

Napapailing na lang ako at napabuntong hininga nang tignan ko si Code.

Nag-angat naman siya ng kanyang balikat. "What?" tanong niya pa.

I rolled my eyes and turned around before I started walking. "Ang tigas kasi ng ulo mo, Nicodemus."

He laughed mockingly. "Who wouldn't get a hard on if I'm with someone like you?"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at nilingon siya habang pinandidilatan ng mga mata.

"Bastos!" bulalas ko pa.

Nakita ko sa mga mata ni Code na nginitian niya ako.

Sa sobrang tahimik ng building ay umaalingawngaw ang bawat yabag namin ni Code sa puting tiles ng makitid at mahabang hallway, kung saan nasa dulo 'non ang elevator.

Pagpasok namin ni Code sa elevator ay sumandal siya roon sa kaliwang gilid at humalukipkip. Pinindot ko naman ang 5th floor button, bago ako sumandal sa opposite side ni Code at pinasadahan siya ng tingin na tahimik na nakatingala at pinagmamasdan ang floor numbers.

Bumaba pa nga ang tingin ko sa dala niyang plastic na may lamang mga natira naming pagkain kanina.

"Bakit dinala mo pa iyan? Sana iniwan mo na lang sa sasakyan. Hindi ka pa kumakain, diba?" sabi ko.

Bumaba naman ang tingin ni Code sa plastic na hawak at saka siya nag angat ng tingin sa akin.
"It's your favorite. Kulang pa nga sa iyo ang mga ito at saka busog naman na ako sa iyo."

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now