Kabanata 3

1.6K 57 13
                                    

Kabanata 3
Producer

Hindi pa man ako nakakabawi nang halikan ako ni Code ay mabilis niya namang kinuha ang kamay ko at saka hinila. Nagmamadali niyang inabot kay Chard ang gitarang ginamit ko at pinauna niya akong pumasok sa loob ng van bago siya sumunod.

"Ikaw talaga, Nicodemus." nakangiti at umiiling na sabi ni Chard. "Hindi ka na naman makapagpigil."

Nakangisi lang si Code habang ako ay ramdam pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa paghalik niya sa akin, sa harap ng maraming tao.

"Ang ganda ng kantang iyon, Persis. Siguro kung magkakaroon ng studio version iyon ay marami ang tatangkilik 'non." sabi naman ni Gervin.

Nag-hum pa nga si Valdemir at nag sabay naman si Ashton at Chard doon sa part na 'La da la la da la la'

Nahihiya ako.

"NakakaLSS yung part na iyon, Persis. Walang halong biro, gusto kong irelease ang kantang iyon." ani Chard.

"Kinilabutan nga ako sa simula pa lang, eh." sabi naman ni Code.

"At siguradong kikilabutan ka rin bukas dahil siguradong ikaw na naman ang laman ng news article, Code. Pustahan pa tayo." ani Ashton.

Hindi nga nagkamali si Ashton, dahil nang magising ako kinabukasan ay naririnig ko si Sir Gerry na pinagagalitan si Code.

Sa puting hamba ng doorway ay tahimik kong sinilip ang dalawa sa may living room area. Prenteng nakaupo si Code sa couch at boxer shorts lamang ang suot. Para siyang lulubog na sa upuan niya at parang batang sinisermunan ng manager nila. Mukha pa ngang bagot na bagot na siya habang pinaiikot ang hair tie kong itim sa kanyang daliri.

"Oo, alam ng marami na may girlfriend ka at marami ang hindi gusto ang ideyang iyon, pero nandyan pa rin sila para suportahan ka. Alam mo kung bakit? Dahil umaasa pa rin sila sa iyo."

Tama. May mga fans talaga na kahit alam nilang in a relationship na iyong idol nila, nandyan pa rin sila para sumuporta, kasi hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa. Naririnig ko nga sa ibang fans na naniniwala raw silang maghihiwalay pa raw kami ni Code, may iba namang nagsasabi na kung ang asawa raw ay naaagaw, syota pa raw kaya. Ganoon ang laman ng mindset nila.

Pero may mga fans din naman na in love lang talaga sa talent niya. Sinusuportahan nila si Code dahil sa talento niya, hindi dahil gwapo siya at pinapangarap nilang maging kanila.

"Wag mo ng sirain ang kaunting pag-asa ng fans mo. Iparamdam mo naman sa kanila na sa kanila ka lang. Hinahayaan ko naman na magkasama kayo ni Persis, huh? Pero wag na kayong gumawa ng issue. Nasa gitna ka ng kasikatan, Code. Naparaming babae ang naghahabol sa iyo. Ang suporta nila ang mas lalong nagpapaangat sa iyo. Please, keep your relationship, privately. Parati ko namang sinasabi sa iyo 'to, diba? Makinig ka naman, Code. Apat na taon ng namamayagpag ang grupo mo, wag kang padalos-dalos sa ginagawa mo dahil maaring hindi lang ikaw ang maapektuhan sa oras na magkamali ka."

Walang ganang tumango-tango lang si Code kay sir Gerry.

"Sige na, mag-ayos na kayo at aalis na tayo. Didiretso tayo sa studio pagdating natin sa manila, nagpapatawag ng meeting ang bago niyong producer."

Paglabas ni sir Gerry ay dahan-dahan akong lumapit kay Code na ngayon ay tinitignan ang dyaryo kung saan nasa frontpage ang picture naming dalawa habang hinahalikan niya ako.

"Morning." bati ko sa kanya.

Binaba ni Code ang hawak na dyaryo sa center table at pinasadahan ako ng tingin. I'm wearing a mulberry silk, longsleeve beige pajama na si Code mismo ang bumili.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu