CHAPTER 3

1.3K 622 128
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 3
Written by: IMRGREYI

Euna' P.O.V.

"Euna, bumaba ka na rito," malumanay na sabi sa akin ni Mama, habang rinig ko ang malakas niyang pagkatok sa pinto ng aking kwarto.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, at pahikab-hikab na sumulyap sa pinto ko na wawasakin na yata ni, Mama. Nag-inat muna ako para sana gisingin ang natutulog ko pang katauhan, ngunit mas lalo lamang akong inantok kaya naman niyakap ko na lamang ang unan ko saka muling pumikit.

"Makulit ka ah, sabing gising na't maghahanda pa tayo ng pagkain. Tandaan mo wedding anniversary ngayon nina lolo at lola. Bumangon ka na riyan," sigaw ni mama mula sa labas ng aking kwarto.

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Mama, akala ko kung ano nang nangyayari sa kaniya sa labas kaya naman agad akong napabangon sa aking pagkakahiga, at agad na tiningnan ang pintuan. Akala ko'y umalis na si mama dahil wala na akong narinig na kahit anong ingay sa labas pero laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto, at iniluwa nito si Mama.

"Ma!" gulat kong sabi.

Seryoso niya akong tiningnan na para bang may ibig sabihin ang mga tingin niya.

"Bumangon ka na riyan," malumanay na sabi sa akin ni Mama.

Bumuntong hininga ako saka tinatamad na umupo sa kama ko. Kita ko ang pag-iling ni Mama, bago siya maglakad papalapit sa may tapat ng bintana. Bigla na lamang hinawi ni mama ang tabing ng bintana dahilan para sumilay ang maliwanag na sikat ng araw na tumama sa mukha ko.

"Mama, iyong bintana binuksan mo na naman!" sigaw ko sa kaniya dahil na rin sa biglang pag-init ng ulo ko.

"Problema ba iyan? Edi isara mo at bilisan mo na riyan pagkatapos bumaba ka na at tulungan mo ako," pilosopo ni Mamang tugon.

Huminga na lamang ako nang malalim upang kahit papa'no ay mapigilan ang inis ko. Nang isasara ko na ang bukas na bintana sa aking kwarto ay napatigil ako bahagya dahil sa ganda ng panahon ngayon.

Rinig na rinig ko ang bawat paghuni ng mga ibon na lipad nang lipad sa payapang dagat na may sobrang linaw ang tubig. Sinabayan pa ito nang magandang panahon, pero natuon ang paningin ko sa mga hinog na prutas na naghihintay lamang sungkitin. Naglaway ako bigla sabay nang pagreklamo ng tiyan ko.

Ngumiti na lang din ako at agad-agad kong sinara ang bukas na bintana upang dumiretso na ako sa CR upang mag-ayos.

Nang matapos na ako ay agad-agad na akong bumaba upang tulungan si mama. Sobrang dami kase ng aming gagawin, kami kase ang aatasang magluto ng mga minatamis na pagkain na ihahanda para sa aniversary ng lola ko.

"Nasaan na po sila?" nagtataka kong tanong dahil kami lang dalawa ni Mama, ang narito ngayon sa bahay.

"Sina lolo at lola mo ay papunta pa lang sinundo sila ng papa mo, habang iyong dalawa mo namang kapatid sumama rin kaya tayo lang dalawa ngayon lang dito," malumanay niyang tugon sa akin.

"Kaya naman pala ginising niyo ako agad nang sobrang aga kanina," pabiro kong sambit. Habang inaayos namin ang mga pagkain sa lamesa.

"Wala kasing tutulong sa akin, Euna. Alam kong pagod ka sa biyahe mo last night pero wala kasi talagang tutulong sa akin," malungkot niyang sabi.

"Ang ganda rin pala rito sa Taiwan, mama." Sabay titig sa pader na salamin na kitang-kita ang ganda ng paligid ng private resort ng pamilya namin.

"Mamaya magtampisaw tayo sa dagat pagtapos kumain," masayang niyang alok sa akin. Matapos naming mailgay lahat ng mga niluto namin sa lamesa.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now