CHAPTER 23

350 136 35
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 23
Written by krisjulie_02

Klanx POV

Nakatingin ako sa kawalan habang inaalala ang mga panaginip ko. Unti-unti ko nang naaalala ang mga bagay-bagay na ginagawa ko dati; at kung sino talaga ako.

"Klanx Yxel Croes? Hindi ko inaasahan na iyon pala talaga ang totoong pangalan ko." Bulong ko sa sarili ko kasunod ng isang buntong hininga.

Sa pagkakataong ito, alam kong nagsinungaling ang mga taong kinikilala kong pamilya pero kahit na ganoon, hindi ko magawang magalit sa kanila. Ilan sa mga naaalala ko ngayon ay ang tunay kong pamilya, kung anong klaseng tao ako dati. Napailing na lang ako sa kawalan ng may maalala na akong isang bagay.

"Hinahanap kaya ako nina Dad? Nina kuya? Siguro hindi, matagal na kasi nilang gustong mawala ako," sabi ko muli sa sarili ko. Napangiti na lang ako nang mapait sa mga iniisip ko na alam ko namang sobrang imposibleng mangyari.

"Kuya,"

Isang kamay ang biglang humawak sa balikat ko na ikinagulat ko. Agad kong hinawakan ang braso ng kung sinumang humawak sa akin at buong lakas na ibinalibag ito. Nagulat na lang ako nang makita ko si Dwune na nakahiga dahil sa ginawa ko.

"Ouch.... Argggh, hindi masakit kuya, hindi talaga masakit, aww fuck!" sarkasmo niyang sabi habang nakahandusay at namimilipit sa sakin.

Napansin kong kasama niya si Dwight na ngayon ay tulalang nakatingin sa akin na hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Whoah, astig kuya" masayang sabi ni Dwight na para bang hindi nasaktan yung kakambal niya.

"Tsk, kung tinutulungan mo ako Dwight hindi yung para kang tanga riyan!" inis na sabi ni, Dwune.

Napailing iling na lang ako sa dalawang ito. Maya-maya pa ay nilapitan ko si Dwune at tinulungang tumayo. Ngumiti lang ito sa akin saka may ibinulong na kung ano.

"Kuya, may date ka ngayon. Magbihis ka na dali, ihahatid ka ni Dwight sa date mo. Dapat kaming dalawa maghahatid sa iyo kaso injured ako in the moment so siya na lang. Enjoy kuya," bulong ni Dwune sa akin.

Nginitian niya lang ako saka umalis ng paika-ika na halatang nasasaktan dahil sa nangyari sa kaniya. Napaisip na lang ako sa sinabi ni Dwune saka tuluyang umakyat sa kwarto ko para maghanda sa date ko raw kuno. Malay ko ba kung si Xyriee pala ang kadate ko, edi jackpot diba.

"Ellonia, mahal kita. Mahal na mahal"

Napahawak ako bigla sa ulo ko ng marinig ko na naman ang sarili kong boses na may tinatawag na ibang babae.

"Ellonia"

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nakaramdam ng galit ng bigla kong banggitin ang pangalan na iyon. Lagi kong napapanaginipan ang babaeng nagngangalang Ellonia.

Minsan magkasama kami, minsan naman katawagan ko siya sa panaginip ko. Nararamdaman ko na may malaking parte siya sa nakaraan ko pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit bigla na lang nasama ang mood ko sa tuwing maaalala ko ang pangalan na iyon.

Hindi kaya may ginawa siyang masama sa akin dati kaya ganoon na lang ang inerereact ng katawan ko sa pangalan niya?

Its already noon at nasisigurado ko na kung sino man ang magiging kadate ko ay aabutin kami ng gabi na magkasama. Kaagad akong naligo at nagbihis nang magandang damit. I'm wearing a plain black v-neck shirt partnered with black ripped jeans at white rubber shoes.
Kasalukuyan kong inaayos ang buhok ko nang makarinig ako ng iilang katok mula sa pinto ng aking kwarto kaya naman kaagad ko itong binuksan, at iniluwa nito ang bulto ng dalawang taong kinilala ko ng magulang sa mga nagdaan na buwan.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now