CHAPTER 19

419 177 50
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 19
Written by krisjulie_02

Dwight's P.O.V.

Nag-aalala ako kay kuya pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mangamba. Pa'no na lamang kung biglang bumalik ang ala-ala niya, at malaman niyang hindi talaga kami ang pamilya niya? Hindi namin gustong mangyari na iiwan niya kami, he's our brother now. Sa amin lang siya at hindi sa kung kanino mang pamilya.

"Kuya Dwight, anong nangyari?" kaagad na tanong sa akin ni Euna nang makita niya akong pumasok sa may living room ng mansyon.

"He's confuse at sabi niya he kept hearing some voices in his head," malungkot kong sabi sa kanila ni, Dwune.

"No, this can't be happening. Kung totoo ang sinasabi mo kuya, it means unti-unti nang bumabalik ang memorya niya. Kuya, hindi pwedeng bumalik ang memorya niya, sigurado akong iiwanan niya tayo once na bumalik na ang memorya niya," mangiyak-ngiyak na sabi ni, Euna.

" I know, I know, kailangang may gawin tayo. Kung isa si Trent sa makakapagpabalik ng memorya niya kailangang hindi siya makita ni, Kuya. Isa si Trent sa nag titrigger ng memories niya kaya kailangang mawala si Trent sa paningin niya ng sa ganoon hindi bumalik ang memorya niya," sabi ko sa kanila.

Tumango sila sa akin bilang pagsang-ayon, pare-parehas kami nang iniisip ng mga kapatid ko. Kailangan naming panatilihing na rito si Kuya hanggang sa umalis si, Trent. Hindi maaring bumalik ang memorya niya, minsan na kaming nawalan ng kapatid kaya ngayon gagawin namin ang lahat huwag lamang siyang mawala sa amin.

Klanx'/Dwyne Klein's P.O.V.

Malalim pa rin ang iniisip ko nang mahiga ako sa kama ko. Ilang minuto pa akong nag-isip hanggang sa makatulog ako.

"Dad, how can you do this to me? Anak mo ako pero bakit hindi man lamang ninyo mapansin ang halaga ko?" tanong ng isang walang mukhang lalaki sa isa pang lalaki na halata na medyo may katandaan na.

"I am your father, you must not questioned me!" galit na bulyaw ng lalaki sa katabi nitong lalaki na walang mukha.

Rinig ko ang malungkot na boses niya bago tuluyang umalis. Sa isang banda nakita ko muli ang lalaki na may kasamang babae na ubod nang ganda. Magkahawak kamay silang dalawa pero isang saglit lang ay magkahiwalay na sila na parang nagtatalo.

"You motherfucker, hayop ka papatayin kita!" galit na sabi ng isang boses sa di kalayuan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Trent na pumasok sa loob ng bahay ng lalaking walang mukha. Pilit niyang sinasaktan ang lalaki pero ilag lamang ito nang ilag hanggang sa may dumating na mga guwardya, at kinuha si Trent.

Maya-maya pa ay bumaba ang lalaki at pumunta sa basement ng building na iyon. Ang hindi niya alam ay na roon si Trent, at may hawak na baril.

"No, don't go there," sabi ko sa aking sarili pero parang hindi naririnig ng lalaki ang sinasabi ko.

Nakita ko ang pagtutok ni Trent ng baril sa lalaki at ang pagdala nito sa isang madilim na lugar na tanging ilaw lamang ng sasakyan niya ang nakikita.

Binugbog ni Trent ang lalaki hanggang sa hindi na ito makagalaw pa; at mahirapan sa pagsasalita.

"Ano ba ang kasalanan ko sayo?" nahihirapang sabi ng lalaki kay Trent

"Ang sakit saki-" daing niya

"E- E- E- Ellonia is m- my fian- ce, and y- you're her lo- ver." Huling sinabi ng lalaki bago siya mawalan nang malay; at itapon sa malamig na dagat.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now