CHAPTER 14

559 294 29
                                    

The Lost Memory of a Young Ruffian

Chapter 14
Written by krisjulie_02

Xyriee's P.O.V.

Kagagaling ko lamang sa banyo ng may narinig akong isang boses na nagmumula sa intercom dito sa loob ng kwarto ko.

"Lady Xyriee, dumating na po sina Madam Yvone at Sir Jiro. Alam na po nilang dumating na po kayo kaya pinatatawag nila po kayo sa may Office ni Sir Jiro," sabi ng isang tinig na nagmumula sa intercom.

Bumuntong hininga ako nang marinig ko iyon. Ito na ang bagay na kinakatakutan ko. Sigurado akong pagagalitan na naman ako ni Daddy nito.

Kaagad akong nagbihis namg komportableng damit saka kinakabahan na pumunta sa office ni, Daddy. Ilang hakbang pa, at may naririnig na akong mumunting usapan sa loob ng opisina na dapat kong pupuntahan.

"Mabuti naman at umuwi na si Xyriee, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa anak natin," mangiyak-ngiyak na sabi ni, Mommy.

"Alam ko Yvone, alam ko. Mahal na mahal ko rin ang anak natin kaya naman nag-alala rin ako sa kalagayan niya," malungkot na sabi ni, Daddy.

Napakagat labi ako sa mga narinig ko, alam ko naman na kahit pa sabihing nagalit sa akin ang mga magulang ko ay mahal na mahal parin nila ako kaya naman naging guilty ako sa ginawa ko.

"Mom, Dad-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang akong salubungin ng isang mahigpit na yakap na mula sa aking mommy.

Niyakap ko rin si Mommy nang sobrang higpit hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mumunti kong luha.

"I'm so sorry Mommy, I'm sorry. Hindi ko na po uulitin ang ginawa ko. Hinding-hindi na, mahal na mahal kita Mom," umiiyak kong sabi.

"It's okay honey, you're forgiven, basta 'wag mo na lang gagawin ulit iyon maliwanag ba? Mahal na mahal ka namin ng Dad mo. Kaya nga kahit malaki ka na at alam naming kaya mo na ang sarili mo ay hindi ka pa rin namin hinahayaang mawala sa paningin namin," sagot naman ni Mommy.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin at ng mga magulang ko hanggang sa basagin iyon ng Daddy ko.

"Saan ka galing, Xyriee?" mautoridad na sabi ni, Dad.

Napalunok na lamang ako nang marinig ko ang tono ng boses niya. Alam kong nag-aalala si Dad sa akin at nalungkot nang mawala ako pero hindi ko parin mapigilan ang hindi kabahan habang kausap ko siya.

"Sorry Daddy-"

"Saan ka nanggaling?"

Hindi ko pa naiituloy ang sasabihin ko ng putulin iyon ng medyo galit na boses ni, Dad. Napatingin ako sa mukha niya at bakas doon ang galit, pag aalala at kalungkutan.

"Sa Condo po ni Klein," pag-amin ko sa kaniya.

Napailing na lamang si Dad nang malaman niya kung saang lupalop ako nagpunta ng araw na nawala ako.

"Alam ba ni Klein kung saan ka nagpunta? Magsabi ka ng totoo Xyriee, dahil nakausap ko si Klein at sinabi niya na hindi niya alam kung nasaan ka," galit na sabi ni, Dad

Timingin ako kay papa na galit na galit saka ako tumingin kay mama na nakatitig lamang sa akin. Bumuntong hininga lamang muna ako saka ako sumagot sa tinatanong nila.

"Hindi niya po alam na roon ako nagpunta pero, nakasama ko siya roon ng isang araw," pag-amin ko.

"Ano-"

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ