CHAPTER 26

304 136 11
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 26
Written by: IMRGREYI

Klanx' P.O.V.

Nang tanaw na namin ang bahay nila Xyriee ay agad-agad nagbago ang masayang ngiti ni, Xyriee. Alam ko na magkikita na naman kami sa mga susunod na araw tulad noon pero alam ko rin na hindi niya na kayang mawalay pa sa akin kaya sigurado akong malungkot na naman siya ngayon.

"Hayaan mo bukas, lets have a date," sabi ko sa kanya upang kahit pa'no ay ganahan na siya, at ngumiti na kahit pa'no.

"Sigurado ka riyan!" Agad-agad siyang lumapit sa akin habang nagmamaneho pa ako na may mga matang tulad ng mata niya kanina na kitang-kita ang saya.

"Pangako, we'll have a date tomorrow kaya ngumiti ka na okay?" Pinisil ko bigla ang pisngi, at ngumiti bigla.

Matapos noon ay sinalubong kami nang masayang ngiti ng mga guwardiya, at pinagbuksan na kami ng tarangkahan saka tuluyang nagmaneho papasok sa mansyon nila, habang papasok pa lang kami ay kitang-kita ko na si Tito Jiro na nag-aantay sa amin.

"Kamusta? Masaya siguro kayo ngayon." Sinalubong niya kami ng may ngiti sa kaniyang labi nang makita kaming pababa sa sasakyan.

"Masayang-masaya po papa." Tumakbo bigla si Xyrire upang yakapin ang kaniyang ama, habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko mapigilan maging masaya.

"Hindi na rin po ako magtatagal baka hinahanap na rin po ako sa bahay," malumanay kong sabi, habang papasok na sa kotse ko.

"Klein!" malumanay na tawag sa akin ni, Tito Jiro.

Tumingin ako bigla sa kaniya dahil dito ngunit ang bumungad sa akin ay ang papalapit na si, Xyriee. Niyakap niya ako bigla at ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya, kaya naman ay tinapik-tapik ko na lang ang likod niya uoang kahit pa'no ay gumaan na ang pakiramdam niya.

Niyakap niya lang ako lalo nang mahigpit kaya naman ay ngumiti na lang din ako. "Magkikita pa naman tayo, ilang oras lang naman akong mawawala sa tabi mo kaya tahan na 'wag ka ng umiyak diyan." Pinakawalan niya na ako sa kaniyang yakap at agad-agad ko namang pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi.

"Xyriee, hayaan mo na. Tama naman si Klein, magkikita pa naman kayo kaya 'wag kang mag-alala," sabay sabi ni, Tito Jiro.

"Rinig mo iyon? Kaya magpahinga ka na muna sa itaas," malambing kong ani. Tumungo na lang siya at dumiretso na sa kinatatayuan ni, Tito Jiro.

"Klein!" Pasakay na ako sa kotse ko ng bigla akong tinawag na naman ni Tito Jiro kaya naman ay tumingin muli ako sa kaniya.

"Maraming salamat sa lahat-lahat," masaya niyang sabi sa akin.

Ngumiti na lamang ako at pumasok na sa loob ng aking sasakyan saka umalis na rin agad upang dumiretso na bahay. Sigurado akong hinahanap-hanap na rin ako ng pamilya ko, na aalala ko pa lang iyong mga itsura nila ay napapangiti na lang din ako.

Isang oras din ang tinagal ko sa biyahe bago ako tuluyang makauwi sa amin. Nang nasa tapat na ako sa mansyon ay kitang-kita ko ang bunso kong kapatid na si Euna, nag-aantay upang salubungin ako.

"Kuya, kamusta iyong muki niyong pagkikita?" makulit niyang tanong sa akin sakto pagbaba ko sa kotse.

"Hayaan mo muna iyong kuya mo magpahinga, Euna." Bigla namang labas ni Papa upang salubungin din ako, at nasa likod niya sina Mama at iyong kambal.

"Sigurado akong masaya ka ngayon kuya," sabi ni, Dwight"

"Tinatanong oa ba iyan?" tugon naman ni, Dwune"

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now