CHAPTER 21

393 149 21
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 21
Written by krisjulie_02

Hyron's P.O.V.

Ilang minuto na naming hinihintay ang pagdating ng nakakabata kong kapatid na si Jiro pero hanggang ngayon ay wala pa siya.

"Hyron, sigurado ka bang mabuting bata talaga si, Dwyne?" nag-aalinlangang tanong ni, Papa.

"Nasisigurado po namin, halata naman po sa kaniya hindi ba? Ang isang tao kahit na nawalan iyan ng memorya ang ugali niya ay maaaring iisa lamang pero iba si Dwyne, mabait siyang bata kaya ayaw ko sanang mawala siya sa amin," malungkot kong sabi

"Sabihin mo Hyron... Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong paalisin ng mansyon ninyo si Dwyne?" sabi sa akin ni, Mama.

"Opo. Nang magising siya mula nang maaksidente siya wala na siyang maalala pero iyong salita niya, salita iyon ng isang pinoy kaya naman nang iuwi namin siya rito, ganoon na lamang ang takot ko na baka- baka makita siya ng tunay niyang pamilya, at bawiin sa amin. Pa, ma, minsan na kaming nawalan ng anak, ayaw na naming pati si Dwyne ay mawala pa rin sa amin. Mahal na mahal namin siya," sagot naman ng aking asawa.

Bumuntong hininga na lamang si Papa at hinintay ang pagdating ni, Jiro. Ilang saglit pa at dumating na ang aking kapatid na may ngiti sa labing lumapit sa amin.

"Kuya kamusta?" nakangit niyang sabi.

"Ayos naman, ikaw?" ani ko.

Ang ngiti niya ay unti-unting nawala ng tanungin ko siya. Mukhang may malaking problema ang aking kapatid na hindi niya masabi sa amin. "Hindi masyado kuya," bumjntong hininga siya.

Dugtong niya pa. "Nag aalala ako kay Xyriee, mula nang makausap niya ang kuya Trent niya lalo siyang naging tulala at halos ayaw kumain. Nag-aalala na ako sa anak ko kuya, wala naman akong magagawa kahit saang angulo tingnan, maling-mali ang makipagrelasyon siya sa sarili niyang pinsa-"

"Hindi totoong magpinsan ang dalawa." Biglang sabi ni papa na ikinatigil ni, Jiro.

Gulat na napatingin si Jiro sa aming ama at maya-maya pa ay sumulyap siya sa akin na hindi makapaniwala.

"Hindi sila tunay na magkadugo? P-paano nangyari iyon? Na roon kami papa nang ipanganak si Dwyne at sabihin ng doctor na tumugma kay Kuya ang paternity test ng bata kaya paano nangyaring hindi siya anak ni kuya?" hindi makapaniwalang sabi ni Jiro.

Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Na roon siya ng araw na manganak ang asawa ko, at nakita nila na anak ko talaga si Dwyne na siya naman talagang tunay pero ang hindi nila alam na pekeng Dwyne ang ipinakilala ko sa kanila.

"Oo, anak ni Hyron si Dwyne pero hindi ang Dwyne na nasa bahay ngayon ng kuya mo," paliwanag ni papa.

Alam kong pilit na pinipigilan ni papa ang inis at galit na nararamdaman niya. Sino nga bang matutuwa kung malaman mo na hindi mo tunay na apo ang taong ipinakilala sa iyo.

"Hindi ko maintindihan," sabi ni Jiro habang nakakunot ang noo.

Bumuntong hininga ako at malakas ang loob na nagsalita, para sa ikakaligaya ng anak ko, gagawin ko ito. "Si Dwyne ay anak ko. Ang Dwyne na dito lumaki at kababata ni Xyriee. Ang Dwyne na nawala sampung taon na ang nakakalipas pero ang Dwyne na kilala ninyo ngayon ay hindi ang Dwyne na anak ko noon. Hindi siya ang tunay kong anak dahil patay na ang tunay na Dwyne. Nakita lang namin siya sa Taiwan na nasa dalampasigan, bugbog sarado at may tama ng baril sa ulo kaya naman dinala namin siya sa ospital para ipagamot pero ng magising siya wala siyang maalala na kahit ano. Masisisi ninyo ba kami na maghangad na maibalik ang aming nawalang anak? Mahal na mahal namin ang anak namin kaya ng malaman namin na may amnesi si Dwyne minabuti na naming sabihin sa kaniya na siya talaga ay anak namin at nawala siya sampung taon na ang nakakalipas. Gusto naming manatili siya sa amin kaya naman hindi namin siya pinalalabas ng mansyon dahil malaki ang posibilidad na makita siya ng mga tunay niyang kamag anak at kunin sa amin. Mahal na mahal namin si Dwyne at ayaw naming mawala siya sa amin," mahaba kong salaysay sa kanila.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang