CHAPTER 28

157 40 11
                                    

The Lost Memories of A Young Ruffian

Chapter 28
Written by krisjulie_02

Trent's P.O.V.

Mabilis kong hinila palabas ng mall si Ellonia habang nagpupumiglas pa rin ito at gustong makita si Klanx. He can't be with Klanx. Hindi pwede,

"He's Klanx! Alam ko iyon, he's my fiance! Bitawan mo ako!" sigaw niya sa akin, habang hinihila ko siya palabas ng mall.

Wala akong paki alam kung pinagtitinginan na ba kami ng mga tao o anuman, ang tanging nasa isip ko lamang ngagyon ay kailangan kong maialis sa lugar na ito si Ellonia at ilayo siya kay Klanx.

He can't be with Klanx. Hindi lang dahil sa mawawala siya sa akin pag nagkaalala na si Klanx. Sigurado rin akong maaalala niya rin ang katarantaduhang ginawa ko sa kaniya.

"Trent, bitawan mo ako! I can't let that bitch steal my fiance. He's my fiancé, mine," bulyaw pa niya sa akin.

Bigla akong napatigil sa paglalakad at walang sabi-sabing sinampal siya. No one call my little sister a bitch. Hindi kasalanan ni Xyriee na nakilala niya si Klanx kaya naman walang sinuman ang pwedeng tumawag sa kaniya ng ganoon.

Kaagad niyang hinawakan ang pisngi niya habang nakatingin nang masama sa akin. "You slap me?"

Kaagad akong natauhan sa ginawa ko ng bigla siyang tumalikod sa akin at tumakbo papunta sa dereksyon kung nasaan sina Klanx at Xyriee.

"Ellonia, Im sorry. Hindi ko sinasadya," sigaw ko sa kaniya habang hinahabol siya.

Mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya naman kung saan-saan ko pa siya hinanap. Matagal ko ng alam na ganito ang mangyayari once na makita muli ni Ellonia si Klanx pero sana naman kahit pa'no wag itong magsilbing trigger para makaalala ulit si Klanx. Ayokong maging malungkot si Xyriee.

Klanx' P.O.V.

"Pasensya ka na Klein, siguro nagkakamali lang si Ate Ellonia pero 'wag kang mag alala, hindi na mauulit iyon," nakangiting sabi ni Xyriee sa akin.

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon kahit na alam kong tunay ang sinasabi ng babaeng iyon na nagngangalang Ellonia. Truly, I remember her, siya yung babaeng nakikita kong kasama ko sa mga panaginip ko or should I say sa alaala ko, but in my memory, there was a part na niloko niya ako kaya naman I ended up being here.

Naglalakad na kami ni Xyriee nang biglang bumalik ang babae at galit na sumigaw kay Xyriee.

"Malandi ka! Mang aagaw ng fiance ng iba!" galit na sigaw ni Ellonia habang papalapit sa amin.

Parang naestatwa sa kinatatayuan niya si Xyriee dahil sa sinabi ni Ellonia. Kaagad sinugod ni Ellonia si Xyriee at sinabunutan ito.

"You bitch! Akala ko pa naman inosente kang babae, malandi ka rin pala! Slut! Mang-aagaw!" galit na sabi ni Ellonia.

Mabilis kong hinawakan ang buhok Xyriee habang ang isa kong kamay ay pilit tinatanggal ang pagkakahawak ni Ellonia sa buhok ni Xy.

"Tama na Miss, nasasaktan yung GIRLFRIEND ko. Sino ka ba? Hindi kita kilala kaya pwede ba, tigilan mo ang pag eeskandalo rito at pagpapahiya sa girlfriend ko!" bulyaw ko kay Ellonia.

Niyakap ko si Xyriee nang mahigpit habang masama ang tingin kay Ellonia. Kita ko na nagkaroon ng konting moist sa mga mata ni Ellonia palatandaan na konti na lamang at tutulo na ang luha nito.

"No baby, ako ito si Ellonia. I'm your fiancé, your soon to be wife. It's me," mangiyak ngiyak niyang sabi sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now