CHAPTER 6

1.1K 497 161
                                    

The lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 6
Written by: krisjulie_02

Klanx/ Dwyne P.O.V.

Unti-unti nang nagsisialisan ang mga bisita sa aming mansyon. Gabi na rin kasi at sigurado akong napagod ang lahat sa ginanap na welcome back party para sa akin.

Bumuntong hininga ako para kahit papaano ay mawala ang bagay na kanina pa gumugulo sa isipan ko. Pinakilala ako ni Papa bilang tunay niyang anak na hindi ko maintindihan. Malalim ang iniisip ko ng biglang may isang kamay ang humawak sa aking balikat.

"Anak, ayos ka lang ba?" nag aalalang sabi ni Papa sa akin.

Humarap ako sa kaniya at bahagyang ngumiti ngunit nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kaniya.

"Pa, hindi ko po maintindihan. Akala ko po hindi po kayo ang tunay kong pamilya, bakit po sinabi ninyo na ako ay tunay ninyong anak?" naguguluhan kong tanong.

Ngumiti lamang sa akin si Papa, at ginulo ang buhok ko saka ako pinaupo sa isang mahabang sofa na nandito.

"Ikaw ang anak namin. Ikaw si Dwyne. Nawala ka sampung taon na ang nakakalipas dahil sa isang aksidente. Papunta ka dapat sa Hawaii noon para magbakasyon pero naaksidente ang sinasakyan mong eroplano, at sa hindi namin maintindihang pangyayari ay wala ang katawan mo sa loob ng eroplano. Hinanap ka namin nang matagal na panahon pero hindi namin akalain na sa Taiwan ka lang pala namin mahahanap anak." puno ng emosyong sabi ng Papa ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Akala ko nung una ay hindi nila talaga ako kadugo pero dahil sa sinabi ni Papa ay hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.

"Ibig sabihin, anak ninyo po talaga ako? Kapatid ko po talaga sina Euna? Totoo po lahat na kamag anak ko yung mga kasama natin kanina?" sunod-sunod kong tanong. Gusto kong malinawagan dahil sobrang naguguluhan ako sa mga bagay-bagay.

" Oo, anak ka namin at kapatid mo sila," diretsong sagot sa akin ni Papa.

Napatulala ako sa kawalan sa sinabi ni, Papa. Kung totoo na kadugo ko sila, ibig sabihin-

Nagpaalam ako kay Papa na lalabas muna para magpahangin. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa mga nalaman ko. Kaya pala ganoon sila kabait sa akin, kasi tunay nila akong anak. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Masaya dahil alam kong totoong pamilya ko ang kasama ko, at nag alaga sa akin. Malungkot dahil ibig sabihin lamang noon ay hindi na ako pwedeng magkagusto kay Xyriee.

"Kuya!"

Isang sigaw ang umagaw sa atensyon ko. Kaagad akong lumingon sa pinanggalingan ng sigaw na iyon, at doon ko nakita si Dwun na masayang papalapit sa akin.

"Dwune, gabi na ahh. Akala ko matutulog na kayo ni Dwight kanina?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Nah, nawala na ang antok namin kuya. Inagaw ka kase ni Euna e may ipapakita pa naman sana kami sa iyo." masayang sabi ni Dwune

Magtatanong pa sana ako kung ano ang ipapakita nila sa akin ng bigla na lamang akong higitin ni Dwune at masaya akong isinama papunta sa pangalawang palapag ng mansyon kung saan nag-aabang ang kakambal nito. Kaagad na hinawakan ni Dwight ang kamay ko ng makalapit kami sa kaniya at hinila na naman nila ako sa kung saan.

"Pikit ka muna kuya," excited na sabi ni, Dwight.

Kaagad naman akong pumikit kahit na nagtataka ako kung bakit kailangan ko pang gawin iyon. Maya-maya pa ay ramdam ko na inakay nila ako sa kung saang lugar bago nila pinamulat ang aking mga mata.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now