CHAPTER 7

1.1K 454 115
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 7
Written by: IMRGREYI

Klanx' P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako ngayon nahihiya matapos ko sabihin sa kaniya iyong mga katagang iyon. Kitang-kita ko sa mukha niya na nabigla siya ngunit pinili niyang hindi ipakita sa akin at agad-agad ngumiti.

"Wala ka pa ring pagbabago, tulad ka pa rin ng dati," malumanay niyang ani.

"Ikaw din, wala pa ring kupas iyang ganda mo." Sabay tusok sa tiyan niya at sinusubukan siyang kilitiin.

"An-ano ka ba Kl-e-in tu-mi-gil ka nga," putol-putol niyang sambit dahil sa pangingiliti ko.

Hindi ko siya tinigilan kilitiin at naghabulan kami na parang mga bata sa hardin namin. Nang mahabol ko na siya ay parehas na lang kaming tumawa habang hinahabol ang paghinga naming dalawa. Umupo na lang kami sa ilalim ng punong acasia upang magpahinga.

Magkatabi kaming dalawa habang tinitignan ang ganda ng hardin sa aming mansyon. Sobrang ganda rin ng panahon naman sakto sa senaryong nakikita namin ngayon.

"Alam mo noong nakita kita kagabi gusto ko agad tumakbo sayo at yakapin ka pero pinigilan ko ang sarili ko dahil marami ring tao. Pero ngayon na tayo na lang dalawa hindi na ako magpipigil." Sa aking pagkagulat ay niyakap niya ako bigla ng sobrang higpit. Ngumiti na lamang ako habang amoy-amoy ang mabago niyang halimuyak at niyakap ko na rin siya.

"Ikaw agad na pansin ko kahapon, hindi ko alam kung dahil may pinagsamahan tayo noon kaya parang pamilyar ka sa akin o sadyang nakuha mo lang iyong atensyon ko dahil sa iyong ganda," pabiro kong sabi sa kaniya.

Sabay kaming tumawang dalawa nang malakas. Matapos niya ako yakapin ay sumandal siya sa puno katabi ko at ilang segundo rin kaming hindi nagsalita. Ngunit sa aking pagkagulat ay bigla siyang sumandal sa balikat ko na nagdahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Alam mo bang sobrang lapit nating dalawa noong mga bata pa tayo," malambing niyang sabi sa akin.

"Kahit na wala akong maalala ngayon ay sigurado ako na masaya tayo ng panahong iyon." Sabay tingin sa kaniya at inayos ko ang kaniyang buhok na hinahangin.

"Masaya talaga tayo noon. Palagi ako na rito sa inyo kaya siguro akong masaya ka ng mga panahong iyon," pabiro niyang sabi sa akin.

"Kahit naman ngayon na kasama kita hindi ko maiwasang hindi maging masaya kahit na ngayon lang tayo nagkakilala kung hindi lang nawala ang mga ala-ala ko." Yumuko na lang ako habang sinara bigla ang dalawa kong kamay.

"Hayaan mo sigurado ako na sa mga susunod na araw ay unti-unti nang babalik iyang mga nawala kong ala-ala kaya 'wag ka nang malungkot diyan," malambing niyang sabi sa akin.

Hinawakan niya bigla ang pisnge ko gamit ang dalawa niyang malambot na kamay at pinihit ang ulo ko upang magsalubong ang aming paningin. "Huwag kang mag-alala hindi na kita hahayaan na mawala pa sa akin," malambing niya sabi sa akin.

Matapos kong marinig ang mga salitang binitawan niya ay biglang bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Ilang segundo rin akong nakatitig lang sa kaniya, hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. Magsasalita na dapat ako ngunit nilagay niya ang hintuturo niya sa aking labi na ikinabigla ko.

Akala ko ay may sasabihin siya ngunit bigla na lang siyang humiga at ginawang unan ang hita ko. Hinawakan niya ang isa kong kamay at nilagay ito sa ulo niya. "Hindi ko alam kung matatandaan mo pa, pero palagi mo akong pinapatulog sa hita mo habang inaayos ang buhok ko noon." Sabay tingin sa akin na may ngiti sa kaniyang labi.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now