CHAPTER 13

602 306 44
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 13
Written by krisjulie_02

Xyriee's P.O.V.

Pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa kamay ni Klein, habang papalapit na kami sa mansyon namin. Natatakot ako kung anong consequences ang mangyayari matapos kong maglayas sa amin pero kung hindi ko naman ginawa iyon, baka hindi ko na muling nakita si, Klein.

Tumingin ako sa gawi ni Klein na ngayon ay nagmamaneho ng kotseng sinasakyan namin. Ang gwapo talaga niya, hindi ko akalain na sa loob ng sampung taon ay magbabago ng ganito ang pisikal na itsura niya. Sa totoo lamang, ibang iba ang itsura ni Klein noon at itsura niya ngayon, sobrang laki ng pinagkaiba. Daig pang magkaibang tao ang Klein noon at ang Klein ngayon.

Noong unang sinabi ni Tito Hyron na buhay si Klein at kasama nila sa Taiwan, lahat kami ay nabigla dahil akala talaga namin ay namatay na si Klein sa plane crash, sampung taon na ang nakakalipas. Kahit sina Lolo at lola pati ilang mga tito namin halos hindi makapaniwala na siya na ang Klein na kababata ko noon. Akala pa nga namin dati na niloloko lamang kami ng Klein na ito ngayon kaya naman nagpaDNA test si Lolo para malaman kung siya nga si Klein at sa hindi kapani paniwalang pangyayari, nagpositive siya.

"Xy, ayos ka lang? Ang lamig yata ng kamay mo?" nag-aalalang sabi sa akin ni, Klein.

Umiling lamang ako sa kaniya upang hindi ipahalata na natatakot ako sa mga susunod na mangyayari lalo na't may nangyari na sa aming dalawa sa pagkakataong ito.

Tinitigan ko na lamang ang mukha ng lalaking tinitibok ng puso ko. Halatang malungkot siya at kinakabahan, pero hindi niya ipinararamdam sa akin iyon.

Maya-maya pa ay tumigil na ang sinasakyan namin sa tapat ng mansyon. Sa pagkakataong ito ay tumingin siya sa akin saka maingat na hinawakan ang aking isang kamay.

"Xy, hindi na ako sasama sa iyo papasok sa mansyon ninyo dahil lalo lamang niyong papalakihin ang gulo," malungkot niyang sabi. Hinaplos niya ang mukha ko saka hinalikan ang aking labi. "Mahal na mahal kita Xy, 'wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan magkasama lamang tayong dalawa," sabi pa niya.

Niyakap niya ako nang mahigpit saka ako lumabas ng sasakyan. Kita kong pinagmamasdan pa niya ako hanggang sa makalapit ako sa guard na nagbabantay sa labas ng mansyon namin.

"Ma'am Xyriee," gulat na sabi ng guard na nakabantay sa gate namin.

Lumingon muna ako sa kinapupwestuhan ng sasakyan ni Klein bago ko batiin ang guard na naroroon.

"Kamusta po manong? Pwede pong pumasok?" nag-aalangan kong sabi.

Kaagad akong nginitian ng guwardya kasunod ng isang pagtango bago tuluyang buksan ang gate ng aming mansyon.

Muli kong sinulyapan si Klein bago ako tuluyang pumasok sa aming mansyon.

"Hanggang sa huli nating pagkikita, mahal ko," tangi kong sabi bago ako pumasok sa loob ng aming mansyon.

Malungkot akong naglakad papunta sa mismong mansyon namin. Hindi ko alam kung anong gagawinnat sasabihin ni papa pero isa lang ang nasisigurado ko, magagalit siya sa akin nang husto.

Ilang minuto pa lang nang paglalakad ay nakarating na ako sa mismong mansyon namin. Malungkot kong tiningnan ang nakasaradong pintuan ng mansyon bago ko mapagpasyahan na pumasok dito.

"Lady Xyriee? Lady Xyriee! Nandito na si Lady Xyriee!" masayang sigaw nang isa naming kasambahay na nakakita sa pagdating ko.

"Lady Xyriee, ano pong nangyari sa inyo? Alalang-alala po kami sa inyo lalo na po ang mama at papa ninyo," biglang sabi ng isang kasambahay namin.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu