CHAPTER 4

1.2K 587 115
                                    

The lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 4
Written by: krisjulie_02

Klanx' P.O.V.

Ang dilim, nasaan ba ako?

"Papa, kailan kaya siya magigising?"

"Hindi ko alam anak,"

Sino iyon? Bakit ang dilim? Nasaan ba ako?

Pinilit kong idilat ang aking mga mata, at bumungad sa akin ang isang silid na napakaliwanag. Napapalibutan ng kulay puting pintura, may kakaibang bagay din akong naaamoy na tila ba likidong gamot. Kaagad kong ipinalibot ang tingin ko sa kabuuan ng silid na iyon pero wala akong nakitang kahit sino.

"Umm, n- nasaan a- ako?" medyo nahihirapan kong sabi sa sarili ko na para bang sasagot ito sa akin.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang katawan ko, at kung mas pipilitin ko man, tanging kirot lamang ang aking nararamdaman. Maya-maya pa'y isang ungol ang aking narinig sa tabi ng hinihigaan ko. Doon ko nakita ang isang babae na natutulog sa gilid ng higaan ko.

Akmang hahawakan ko siya ng biglang bumukas ang pinto ng silid na iyon, at pumasok ang apat na tao, tatlong lalaki at isang babae.

"Mabuti naman at gising ka na," masayang sabi ng lalaki na tila may katandaan na. "Alalang-alala kami sa iyo, lalong-lalo na ang bunso namin. Akala namin matatagalan pa bago ka magising," dagdag pa nito.

Tinitigan ko lamang ang lalaki habang ang may katandaan na na babae ay lumapit sa babaeng natutulog sa tabi ng hinihigaan ko para gisingin ito.

"S- sino k- kayo?" tanong ko sa kanila sa namamaos na boses. Hindi ko sila kilala kaya naman nagtataka ako kung bakit nandito sila.

"Kami ang nagdala sa iyo dito sa ospital, ikaw anong pangalan mo?" malumanay na sabi ng lalaki

Tiningnan nila ako na para bang hinihintay nila ang sasabihin ko. Pangalan? Ano ba ang pangalan? Meron ba ako noon? Para saan ba ang bagay na iyon?

"P- angalan? A-no b-a a-ng p-angalan?" naguguluhan kong tanong.

Kita ko na nagkatinginan ang mga tao na narito sa loob ng silid kung saan ako naroroon, maya-maya pa ay nagpaalam na lalabas iyong babae na nakita ko na natutulog sa tabi ng higaan ko.

"Ang pangalan ay isang salita na nagpapakilala sa sarili mo. Kagaya ko, ako si Hyron Fossler, siya naman ang asawa ko na si Klea Fossler at ang aking kambal na anak na lalaki na sina Dwight at Dwune habang yung babae naman na umalis kanina ang aking bunso na si Euna. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong nito sa akin. Lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin, at hinihintay ang isasagot ko.

" H- hindi ko a- alam k-kung a-ano a-ang p-angalan k-o, nasaan ba ako? B-bakit a-ako nandito?" balik kong tanong sa kaniya.

"Nasa hospital ka, nakita ka naming nakahandusay sa may dalampasigan ng private resort namin. Puro pasa, at may tama ka ng baril sa ulo kaya dinala ka namin dito. Hindi mo ba talaga alam ang pangalan mo? Kung saan ka nanggaling, at iba pang tungkol sa sarili mo? Wala ka bang natatandaan." nag-aalala nitong sabi sa akin.

Tumango ako sa kaniya kaya naman muling nagkatitigan ang mag asawa. Maya-maya pa ay biglang pumasok ang babaeng nagngangalang Euna. May kasama itong mga tao na nakakulay puti na damit, at may kung anong nakasabit sa kanilang leeg.

"When did he wake up?" tanong ng tao na nakakulay puti ang damit. Tiningnan niya ang mga kwardado na bagay na nakalagay sa gilid ng hinihigaan ko, sunod niyang tiningnan ang parang tubig na nakalagay sa makapal na plastic na nakabitin sa gilid ng higaan ko na may parang maliit na hose na nakadugsong sa kamay ko.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now