CHAPTER 15

528 260 60
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 15
Written by: IMRGREYI

Xyriee' P.O.V.

Isang linggo na rin ang lumipas simula nang malaman ko na uuwi si Kuya Trent dito sa mansyon at ganoon katagal na rin kaming hindi nagkikita ni, Klein. Hindi ko mapigilang malungkot dahil na rin dito, sa totoo lang ay gusto ko ng muli siyang makita at makasama. Pero alam ko na hindi papayag sina Mama at Papa kaya naman ay hindi ko na pinilit at nagtitiis na lang ako.

Kahit na gustuhin kong tumukas muli upang kitain si Klein, alam ko namang magagalit din siya sa akin kung gagawin ko iyon muli. Kahit na hinahanap-hanap ko na siya, kahit na ilang beses na akong umiiyak tuwing gabi sa bawat araw na nagdaan, nagpipigil pa rin akong gumawa nang ikakagalit niya.

Napabuntong hininga na lang din ako habang nakatitig sa bilugang buwan ngayon at mga bitwin na walang sawang nagnining-ning. Natandaan ko pa noong nakaraang buwan ng muli kaming nagkita matapos ang ilang taon na pangugnulila sa kaniya. Hindi ko rin inaasahan na makikita ko pa siya muli at sa muli naming pagkikita ay ang unang niyang sasabihin ay ang ganda ko?

Tumawa na lang din ako habang inaalala ang mga panahong iyon. Nagawa niya pang ihantulad ang mga mata ko sa mga bitwin at sa bilugang buwan, kahit ako ay hindi ko rin inaasahan na masasabi niya sa akin iyon noong panahong iyon. "Ano kayang itsura ko sa mga mata niya noong pamahon iyon? Maganda ba ako? Bakit niya ako agad napansin?" tanong ko sa sarili ko.

Umiling na lang din ako dahil hindi na rin naman siguro importante kung anong tingin niya sa akin noong panahong iyon. Basta ang alam ko lang ngayon ay mahal namin ang isa't isa, sapat na dahilam na iyon upang maniwala ako sa kaniya at lumaban kasama siya. Sigurado rin naman ako na matapos naming gawin ang bagay na iyon noong nakaraang linggo, masasabi ko rin na lalo lang lumalim ang pagtingin naming dalawa.

Anong oras na rin at ramdam ko na ang bawat ihip ng hangin na sobrang lamig kaya naman ay agad-agad na rin akong pumasok sa loob ng aling kwarto. Nang makahiga na ako ay hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga susunod na mga mangyayari simula ngayong araw na ito. "Pa'no kaya kung malaman na ng mga magulang ko na may nangyari sa amin ni, Klein. Ano kayang gagawin nila?" isip-isip ko habang yakap-yakap ang unat nang mahigpit.

Siguro ay mabibigla sila kung malalaman nila iyon pero hindi ko muna pipiliin na sabihin sa kanila ngayon iyon. Kung wala na talaga akong magawa upang kahit pa'no ay pigilan sila sa balak nilang pagpalayo sa akin kay Klein, siguro ay tama na iyong panahong iyon upang sabihin ko sa kanilanang lahat ng mga nangyarinsa amin ng gabing iyon. Kahit na anong gawin niyo mama at papa kahit na papuntahin niyo pa rito si Kuya Trent, hindi pa rin magbabago ang pagtingin at nararamdaman ko para kay Klein. "Mahal na mahal ko siya at walang kahit sino sa mundong ito ang makakapagbago noon." Sabay pikit ng aking mata at unti-unti na rin nakatulog.

"Xy, gumising ka na riyan!" bulyaw ng isang pamilyar na boses sa akin habang kinakatok ang pinto ng aking kwarto ng sobrang lakas.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko dahil sa ingay ng bawat katok niya sa pinto ko. "Sino ba iyan?" Kahit na tinatamad pa ako tumayo ay pinili ko na lang din pagbuksan ang pinto at hindi rin ako makakatulog kung sakaling hindi siya tumigil sa pagkatok.

Nang buksan ko ang pinto ay sa aking pagkagulat. "Do you miss me my little sister?" bungad sa akin ni, Kuya Trent. Yumuko na lang din ako dahil alam ko na lalo lang akong mawawalan ng pagkakataon upang kitain si Klein ngayon na rito na si, Kuya

"Oh, why so sad?" malambing na tanong ni, Kuya.

Hindi kong piniling sagutin siya at bumalik na lang ako sa kama upang humiga muli. "Kung wala ka nang kailangan sarado mo na iyong pinto," seryoso kong sabi.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora