CHAPTER 27

381 132 32
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 27
Written by: IMRGREY

Klanx' P.O.V.

Bumungad sa akin ang isang kislap ng sinag ng araw sa pagdilat ko ng aking mata kaya naman ay agad akong nagtaklob ng kumot upang matakpat ito, ngunit napatayo ako bigla dahil na alala ko na ngayon nga pala ang araw kung kailan kami lalabas ni, Xyriee.

Tumingin ako bigla sa orasan na nasa gilid ng higaan ko, at sa aking pagkabigla ay alas otso na rin pala ng umaga. Hindi pa rin ako nakakapaghanda, sigurado akong mapapagalitan na naman ako nito ni Xyriee mamaya dahil napag-antay ko na naman siya.

"May bulaklak akong pinabili sa tauhan natin, nasa ibaba na iyon. Good luck sa date kuya." Tumingin ako bigla sa nagsalitang iyon na may gulat na kitang-kita sa itsura ko ngunit ngumiti ako nang malaman ko na si Dwight pala iyon.

"Maraming salamat nag-abala ka pa," masaya kong tugon sa kaniya.

"Hindi lang ako iyong nag-abala pati iyong dalawa, si Dwune bumili ng chocolates while si Euna naman bumili ng bagong sapatos for you kuya." Biglang abot sa akin ng isang papel na amoy na amoy ang matamis na halimuyak nito.

"Bakit may ganito? Para saan ito?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Gumawa ka raw ng love letter sabi ni Mama Kuya," malumanay niyang sagot.

Ngumisi na lang ako nang malaman ko na si Mama ang nagpaabot nito sa akin. "Hulaan ko singsing iyong binigay ni Papa, ano?" pabiro kong sabi.

"Nadali mo kuya, nasa ibaba sila. Si Papa na raw mag-aabot sa iyo ng singsing kaya dalian mo raw," masaya niyang sabi sabay tabo palabas.

Nagulat na lang din ako dahil iyong inaakala kong biro ay totoo pala talaga. Napangiti na lang ako nang malaman na tama pala talaga iyong naiisip ko, tumingin muli ako sa orasan at sobrang bills nang andar nito kaya naman ay agad-agad na akong nag-asikaso ng mga dapat kong gawin.

Matapos nito ay bumaba na ako agad, ang unang sumalubong sa akin ay si Euna na bitbit-bitbit ang binili niyang sapatos na sigurado ako ay nais niyang isuot ko ngayong araw na ito.

"Kuya, make sure to wear this okay?" malambing na sabi sa akin ni, Euna.

"Kuya iyong chocolates and roses nasa sasakyan mo na, pinalagay na namin while you're busy earlier," masayang sabi ni, Dwune.

"Good luck sa date mo with Xyriee Kuya," sambit ni, Dwight.

Tumingin ako bigla sa tatlo kong kapatid at hindi ko maiwasang maluha dahil sa mga pinapakita nilang suporta sa akin ngayon. Sobrang saya kong kahit na alam ko na hindi ko sila tunay na pamilya ay tinuturing nila akong biglang tunay nilang kapatid.

"Oh, tumigil na kayo pinapaiyak niyo na iyong kuya niyo," nang-aasar na sabi ni Mama kaya naman ay tumawa kaming lahat bigla.

"Nasan na iyong pinaabot ko kay Dwight kanina? Nasulat mo naman ba?" nagtatakang tanong sa akin ni, Mama.

"Yes po, don't worry nasa bulsa ko na." Sabay tapik sa bulsa ko.

"Lahat sila may binigay para makatulong sa iyo ngayon pero your daddy will give you something special today," masayang sabi sa akin ni, Papa.

"This is our family heirloom, ingatan mo anak," dugtong ni, Papa.

Nagulat ako na sa aming apat ay ako pa talaga ang binigyan niya nito kahit na hindi niya ako tunay na kadugo. Alam ko na singsing iyong ibibigay niya sa akin ngayon dahil sinabi na iyon kanina ni Dwight pero hindi ko naman akalain na itong singsing pala na ito ang ibibigay sa akin ni Papa na tinuturing ng buong pamilya namin bilang kayaman.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now