CHAPTER 22

362 165 12
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 22
Written by: IMRGREYI

Hyron' P.O.V.

Hindi ko maalis sa isipan ko na may posibilidad na may nalalaman si Trent tungkol sa tunay na katauhan ni Dwyne kaya naman ay tumingun ako agad kay, Jiro. "Tawagin mo agad si Trent at papuntahin mo rito," seryoso kong sambit.

"Bakit mo naman gustong papuntahin dito si Trent?" nagtataka niyang tanong.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ng buo pero sa tingin ko'y may nalalaman si Trent sa totoong katauhan ni, Dwyne." Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata nilang lahat matapos kong sabihin ito kaya naman ay huminga na lang din ako nang malalamin.

"Sigurado ka ba riyan kuya? Pa'no mo na isip iyang bagay na iyan sa pamangkin mo?" seryosong sabi ni, Jiro.

"Hindi sa pinag-iisipan ko nang masama si, Trent. Kahit ako'y hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nangyayari pero wala namang masama diba kung tanungin natin siya?" malumanay kong tugon sa tanong ni, Jiro.

Tumahimik din siya ng ilang minuto, hindi niya pa rin siguro matanggap ang mga naririnignniya ngayon kaya naman ay hindi ko na lang din piniling dagdagan pa ang mga iyon at pairalin ang init ng ulo ko.

"Oh sige, tatawagan ko si Trent upang pa puntahin dito para matapos na rin ang usaping ito. Pansin ko rin na ang laki nang pinagbago niya matapos pumunta sainyo noong nakaraang araw kaya siguro'y may koneksyon din iyon sa nangyayari sa kaniya ngayon," aniya.

Jiro' P.O.V.

Matapos noon ay agad-agad din namang tinawagan ni Jiro si, Trent. Ilang beses ding hindi sumasagot si Trent kaya naman ay inabot na rin kami ng ilang minuto bago niya tuluyang sagutin ang tawag ni, Jiro.

"Trent, sa wakas at sumagot ka na rin. Pumunta ka ngayon dito sa mansyon ng lolo mo, dalian mo at may kailangan tayong pag-usapan," sabi ko.

"Ba-kit po pa-pa… A-no po i-yo-ng pag-uu-sa-pan na-tin?" utal-utal na tanong niya sa akin.

"Basta! Pumunta ka na lang dito at dalian mo." Matapos noon mpay binaba ko na agad ang telepono ko, at tumingin sa aking kapatid na may hindi ko mabasang mukha.

Hindi ko maalis sa sarili ko na mag-alala dahil pa'no kung totoo nga ang hinala ni, Hyron? Ano ang dapat naming gawin kung magkataon? Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan, basta ang alam ko lang ay dapat masagot na sa pagkakataong ito ni Trent ang lahat para matapos na namin sa wakas ang problemahang ito at hindi na rin ako kabahan kung bakit bigkang nagbago ang ugali niya nitong mga nakaraang araw.

Matapos kong tumawag ay wala maski isa sa amin ang piniling magsalita upang basagin ang katahimikan na bumabalot sa mansyon ngayon. Nagtagal din ito ng mahigit isang oras at hindi ko rin maiwasang tumingin-tingin sa relo ko dahil anong oras na ri. Bakit wala pa hanggang ngayon si, Trent?

"Tawagan mo kaya uli sa Trent, Jiro?" sabi sa akin ni Hyron na matapos ang lang minuto ay nagsalita na rin.

Magsasalita na dapat ako ngunit napatigil ako at napatingin sa nagbukas ng pinto. Gumaan bigla ang pakiramdam ko nang makita ko ang panganay kong anak na papasok na sa mansyon.

"Natagalan ka ata?" tanong ko sa kaniya.

"May binili pa po kasi akong tsaa para kay lolo," masya niyang tugon sa akin.

"Ano po pala ang pag-uusapan natin ngayon?" dugtong niyang tanong sabay upo sa sofa na katapat ko.

Matapos noon ay may isang tauhan ang lumapit kay Trent na ikinabigla niya. "Ibigay mo na lang sa kaniya iyang regalo mo sa akin at siya na ang bahala riyan, salamat nga pala," sabi ni, Papa.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang